Facebook

Comelec inamin marami ang deactivated voters

AMINADO ang Commission on Elections (Comelec) na marami ang deactivated voters sa ngayon.

Ayon kay Comelec Director at Spokesman James Jimenez, inaasahan nila ang re-activation ng 1.5 milyong botante magbabalik ngayong halalang 2022.

Sa ngayon aniya ay mababa pa sa isang milyong ang nagpapa-reactivate ng kanilang rehistro.

Sinabi pa ni Jimenez, na kaya naman aniyang abutin ang target na bilang ng mga botante sa national at local elections kung saan sa ngayon ay nasa 1.9 milyon na ang nagparehistro.

Kasama na aniya rito ang bagong nagpatala at re-activation .

Sa kabila nito, mayroon pa aniyang ibang areas of concern tulad ng mga OFWs na nag-repatriate na hindi pa nagpapa-transfer ng kanilang registration.

Binigyan diin ni Jimenez na ang deadline ng transfer of registration ay sa August 31, 2021.

Nanawagan naman ito sa mga OFWs repatriates na kailangang magparehistro para makaboto sa May 2022. (Jocelyn Domenden)

The post Comelec inamin marami ang deactivated voters appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Comelec inamin marami ang deactivated voters Comelec inamin marami ang deactivated voters Reviewed by misfitgympal on Pebrero 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.