Facebook

Brgy. kapitan, 8 pa naaktuhan nagkakarga ng nilagareng kahoy sa truck

ARESTADO ang isang punong barangay at 8 kasamahan nito nang maaktuhang nagkakarga ng mga iligal na pinutol na kahoy sa isang truck sa Barangay Cataguing, San Mariano, Isabela.
Kinilala ang mga naaresto na sina Harley Deolazo, 54 anyos, kapitan ng Brgy. Cataguing; Helbert Martinez, 30; Donald Cachuela, 37; Jeffrey Deray, 31; Michael Bacani, 19; at Jomari Palattao, 29, pawang residente ng Brgy. Buyasan, San Mariano; Jerold Malsi, 34; Jerrymi Malsi, 29; at Jackson Malsi, 37, pawang residente ng Brgy. Cataguing.
Nagsagawa ng anti illegal logging operation sa Pinacanauan River sa Brgy. Cataguing ang magkasanib na puwersa ng Police Intervention Unit, Isabela Police Provincial Office, San Mariano Police Station, at 1st Isabela Police Mobile Force Company na nagresulta ng pagkakaaresto sa punong barangay at walong kasamahan.
Nasamsam ang humigit kumulang 2,000 board feet ng nilagareng kahoy na isinakay sa 6X6 truck (BCJ 617) na pagmamay-ari ni Deolazo .
Ang mga dinakip at sasakyan na naglalaman ng mga kahoy ay dinala sa San Mariano Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon .

The post Brgy. kapitan, 8 pa naaktuhan nagkakarga ng nilagareng kahoy sa truck appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Brgy. kapitan, 8 pa naaktuhan nagkakarga ng nilagareng kahoy sa truck Brgy. kapitan, 8 pa naaktuhan nagkakarga ng nilagareng kahoy sa truck Reviewed by misfitgympal on Pebrero 11, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.