Facebook

3 mag-uutol nalunod-patay nang tumatawid sa ilog

NASAWI ang tatlong menor de edad na magkakapatid nang anurin malunod habang tumatawid sa ilog sa Barangay Cansilayan, Valderrama, Antique.
Kinilala ang mga biktima na sina Maricel, 17; Maria, 15; at Ruben Canja, 11, residente ng nasabing lugar.
Ayon kay Police Capt. Narciso Sables, hepe ng Valderrama Municipal Police Station, papauwi na ang magkakapatid nang anurin ng rumaragasang tubig sa ilog.
Nakaligtas naman ang isa pang kapatid ng mga biktima na si Victor, 13.
Hindi kasama ng mga biktima ang kanilang magulang nang mangyari ang insidente.

The post 3 mag-uutol nalunod-patay nang tumatawid sa ilog appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
3 mag-uutol nalunod-patay nang tumatawid sa ilog 3 mag-uutol nalunod-patay nang tumatawid sa ilog Reviewed by misfitgympal on Pebrero 11, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.