Facebook

Anak na PWD iniligtas ni Mommy sa nasusunog na bahay

NAGTAMO ng paso sa kamay at balikat ang 43-anyos na ginang nang pasukin niya ang nasusunog na bahay para mailigtas ang anak na isang PWD sa Barangay Culasi, Roxas City.
Natupok ang buong bahay ni Jane Candelario sa Sitio Luyo, Barangay Culasi.
Naglalaba sa labas ng bahay ang ina nang makita ang apoy sa loob ng kanilang silid.
Ayon kay Candelario, hindi niya inalintana ang takot nang pumasok sa nasusunog na bahay dahil ang nasa isip niya ay mailigtas ang anak na nasa duyan.
Dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy, walang kagamitan kahit damit na naisalba ang mag-anak na Candelario.

The post Anak na PWD iniligtas ni Mommy sa nasusunog na bahay appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Anak na PWD iniligtas ni Mommy sa nasusunog na bahay Anak na PWD iniligtas ni Mommy sa nasusunog na bahay Reviewed by misfitgympal on Pebrero 11, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.