NASA P6.8 million halaga ng iligal na droga ang nasabat ng PNP Drug Enforcement Group sa buy bust operation sa Lancaster Residence Subdivision, Barangay Alapan 2, Imus, Cavite, Miyerkules ng madaling araw.
Arestado sa operasyon ang tatlong drug personalities na nakuhanan ng isang kilo ng shabu.
Kinilala ang mga inaresto na sina Aina Elias Maamor aka Uking, 20, ng Antipolo City; Sittie Ambuludto Pagayao, 30; at Michael Ordonez Romualdez alyas “Bossing”, 33, ng Lancaster.
Nakumpiska sa operasyon ang isang paper bag na may laman na isang kilo ng white crystalline powder ng shabu.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng PNP DEG sa Kampo Crame ang mga suspek na sasampahan ng paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002).
The post P6.8m droga nakuha sa 3 tulak sa Cavite appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: