ARESTADO ang isang barangay chairman nang ipatupad ng Criminal Investigation and Detection Group Samar ang ‘Oplan Paglalansag Omega/Salikop’ sa Barangay Capoocan, Calbayog City, Lunes ng gabi.
Sa bisa ng isang search warrant, pinasok ng pulisya ang bahay ni Crispo Bello, 47 anyos, at barangay chairman ng Barangay Tigbe, Calbayog City.
Nakuha mula kay Bello ang isang M-16AI Elisco rifle, 9 live ammunition para sa M-16 rifle, isang caliber .45 pistol, isang M-16 magazine, isang Colt .45 magazine, at isang itim na sling bag.
Nasampahan na ng kasong paglabag ng Republic Act 10591 ang suspek.
The post Brgy. kapitan huli sa ‘di lisensiyadong baril appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Brgy. kapitan huli sa ‘di lisensiyadong baril
Reviewed by misfitgympal
on
Pebrero 03, 2021
Rating:
Walang komento: