Facebook

Bulok na sistema ng ‘janitorial service’ sa NAIA, inireklamo!

KUNG sino ang nasa mataas na katungkulan sila pa mismo ang abusado at nananatili sa kanilang puwesto.
Ito ang hinaing ng isang dating janitress ng Ninoy Aquino International Airport ( NAIA ) Terminal 1 laban sa “bulok” na sistemang umiiral ngayon sa nasabing paliparan.
Ayon kay Josephine Versoza Angulluan, dating empleyado ng Omni Janitorial Services, dapat na pagtuan ng pansin ng MIAA management ang ilang “alingasngas” na ginagawa ng ilang mayroong matatag na posisyon sa Janitorial office na nakatalaga sa Terminal 1.
Inihalimbawa nito ang naging kaso ng isang nagngangalang Ronald Allan Enciso, isang janitor na inireklamo ng isang pasahero nang umano’y kunin ng una ang cellphone ng huli habang nasa loob ang arrival area.
Nabatid na asawa si Enciso ng isang supervisor ng janitorial service na nakatalaga rin sa nasabing paliparan.
Sa unang imbestigasyon, itinanggi ni Enciso ang reklamo ng pasahero, subali’t hindi siya nakalusot dahil sa CCTV footage dahilan upang ipa-ban siya sa paliparan.
Ang labis na ipinagtataka ni Angullan, kung bakit nakabalik sa trabaho bilang janitor si Enciso gayung mabigat ang naging kaparusahan nito sa MIAA, samantalang si Angullan na nagmalasakit lang sa MIAA management kungsaan kinuhanan nito ng litrato ang ilang supervisor na nag-iinuman at natutulog habang naka-duty siya pa ang tinanggal sa trabaho.
Magkakasabwat umano sa ilang “katiwalian” ang ilang supervisors ng janitorial services sa NAIA na mayroong dalawang agency, ang Omni at Philcare. (Jojo Sadiwa)

The post Bulok na sistema ng ‘janitorial service’ sa NAIA, inireklamo! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bulok na sistema ng ‘janitorial service’ sa NAIA, inireklamo! Bulok na sistema ng ‘janitorial service’ sa NAIA, inireklamo! Reviewed by misfitgympal on Pebrero 07, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.