NASAGIP ng mga mangingisda ang 6 kapwa mangingisda mula Bataan na halos dalawang araw nang nagpalutang-lutang sa dagat na sakop ng Occidental Mindoro, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).
Sa ulat ng PCG-Zambales, kinilala ang mga nasagip na sina Junrey Beroy, 20; Raymark Rebenito, 20; Marlon dela Cruz, 24; Glenn Gaga, 33; Gerald Gaga, 40; at Manuel Sueta, 43.
Ayon sa isa sa mga nasagip, Enero 27 nang pumalaot sila sa karagatan sakay ng bangkang FBCA Glaiza.
Dahil sa lakas ng alon, nabali ang 3 katig ng kanilang bangka kaya tumagilid ito at pinasok ng tubig hanggang sa tuluyang lumubog.
Dalawang gabi at isang araw nagpalutang-lutang sa dagat ang mga mangingisda.
Sa tulong ng pinailaw na flare, nakita sila ng mga kapwa mangingisda sa may Lubang Island.
Dinala ang mga mangingisda sa Subic, Zambales at nai-turn over sa mga taga-Coast Guard.
Noong Biyernes ay nakauwi na ang mga nasagip na mangingisda sa kani-kanilang pamilya sa Mariveles. (Jocelyn Domenden)
The post 6 mangingisda 2 araw nagpalutang-lutang sa dagat, nasagip appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: