Facebook

Magnitude 6.3 lindol umuga sa Davao del Sur

KINUMPIRMA ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvocs) na 6.3 magnitude na lindol ang umuga kaninang 12:22 sa Magsaysay, Davao del Sur.
Matatagpuan ang epicenter ng lindol 06.70°N, 125.16°E – 006 km S 08° E ng Magsaysay.
Tectonic ang origin ng nasabing lindol na may lalim na 15 hanggang 16 kilometro.
Ayon kay Philvocs Dante Senja, nasa intensity 5 ang naramdaman sa Kidapawan City, Koronadal City, South Cotabato. Intensity 4 naman sa Alabel, Kiamba, Sarangani, General Santos City at South Cotabato. Intensity 2 sa Cagayan de Oro, Gingoog, Misamis Oriantal. Intensity 1 Cagayan de Oro, Misamis Oriental
Ayon sa NDRRMC, asahan ang mga aftershocks at pinsala dulot ng malakas na lindol.
Ayon naman sa Kidapawan CDRRMO na si Psalmer Bernalte, nasa 100 pamilya ang ililikas ng pamahalaang lokal mula sa Mt. Apo.

The post Magnitude 6.3 lindol umuga sa Davao del Sur appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Magnitude 6.3 lindol umuga sa Davao del Sur Magnitude 6.3 lindol umuga sa Davao del Sur Reviewed by misfitgympal on Pebrero 07, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.