NASAWI ang isang empleyada ng sikat na online store na Lazada nang ma-trap sa sunog sa bodega ng kompanya sa Talon Singko, Las PiƱas City, Sabado ng umaga.
Kinilala ang nasawi na si Jolie Anne Banday, 25 anyos, chat customer service representative ng Lazada, na na-suffocate at bahagyang nasunog ang katawan nang hindi makalabas dahil sa natakpan ng bumagsak na debris ang mismong fire exit ng bodega.
Nagsimula ang sunog 7:56 ng umaga at naideklarang “fire under control” 1:04 ng hapon.
Sa report, nagsimula ang sunog sa isang kuwarto sa ground floor na mabilis kumalat sa ikalawang palapag.
Bukod sa bodega ng Lazada, may hardware rin ang harapan ng nasabing compound na nag-iistak ng mga pintura sa bodega.
Iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog.(Gaynor Bonilla)
The post Bodega ng Lazada nasunog: empleyada nasawi appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: