“ANG hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makakarating sa paroroonan.”
Ito ang kasabihan na pinanghahawakan ng grupo ng Tondo High School Tahanan ng Alumni Association (THSTAA) sa Lungsod ng Maynila kaya wala silang tigil sa paghahanap ng paraan para mapabuti, hindi lang ang gusali ng paaralan, kundi maging ang mga kasalukuyang guro at estudyante ng eskuelahan.
Matatandaan na naglunsad ng proyektong “Donation for a Cause Elevator Project” ang THSTAA na pinamumunuan ni Poluce Lt.Col. Rosalino “Jhun” Ibay, hepe ng Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) ng City hall, upang may magugol sa pagpapagawa ng elevator sa apat na palapag na gusali ng Tondo High School (THS) kungsaan sila sabay na nagtapos ni Mayor Isko Moreno.
Dahil sa dami ng nais na sumuporta sa proyekto, nagkaroon ng pagbabago sa “mechanics” sa raffle draw sa Pebrero 14, 2021, kungsaan mas maraming donation stub holder ang magkakaroon ng tsansang manalo.
Magaganap ang pa-raffle sa mga sumusunod na petsa: Peb. 14 at 28; Marso 14 at 28; at Abril 11. Ang consolation prizes ng donation stub holders ay maaring magwagi ng isang Mountain bike at 25 sack of rice na tig-25 kilos.
Nakatakdang gawin ang Grand raffle draw sa Abril 24, kungsaan ang grand prize ay isang brand new NMAX Keyless.
Bukod sa NMax motorcycle, may nakalaan pang mga premyo sa mga bibili ng card na brand new electronic scooter, brand new electronic trolly, 5 mountain bike, at 50 sacks ng bigas. Ang donation card ay P200.
Gagapin ang mga raffle draw sa Tondo High School Quadrangle at live sa social media sa FB page ng Tahanan ng Alumni. (Jocelyn Domenden)
The post Pampublikong iskul sa Tondo lalagyan ng elevator! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: