Facebook

Covid vaccines huwag gawing mandatory!

BAGO matapos ngayong buwan ng Pebrero ay inaasahang darating na sa bansa ang mga biniling COVID VACCINES mula sa ibang bansa at kasunod nito ang pagsasagawa ng pagbabakuna.., subalit, marami ang nag-aalala sa posibleng adverse effect ng bakuna kaya tumatanggi muna ang mga ito sa panghihikayat ng gobyerno na magpabakuna ang lahat bilang panlaban sa sinasabing pandemic.

Sa isinagawang BALITAAN SA MAYNILA VIA ZOOM MEDIA FORUM na ang mga MEDIATOR ay ang mga batikang JOURNALISTS na sina ANGELO ALMONTE at DAVE VERIDIANO ay naging paksa ang paghahanda sa COVID VACCINATIONS at ang pagluluwag sa restrictions na ipinaiiral ng INTER-AGENCY TASK FORCE (IATF) para sa pagbangon muli ng ekonomiya sa ating bansa ay naging tagapagsalita si DEPARTMENT OF THE INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT (DILG) USEC EPIMAVO DENSING III.

Naitanong ng ARYA kay USEC. DENSING ang pangamba ng maraming mamamayan na posibleng ipairal ng iba’t ibang ahensiya o mga establisimiyento ang MANDATORY COVID VACCINATIONS para sa pagpapatuloy ng kanilang pagtatrabaho ay naihayag nito na hinde dapat ipairal ang mandatory dahil lalabag ito sa karapatang pantao.

Gayunman, hinde pa umano natatalakay ang gayong sitwasyon kung saan aniya ay nararapat na mapag-usapan at mapagpasyahan ng mga bumubuo ng IATF ang gayong sitwasyon.

Sa punto ni USEC DENSING ay hinde dapat na ipairal ng mga ahensiya o ng mga establisimiyentong magpabakuna ang lahat bago sila tanggapin sa pagiging mga empleyado.., kung saan aniya ay kailangang maresolba ito ng mga bumubuo ng IATF at kung ano ang magiging consequences kapag hinde sumunod sa patakaran ang mga establisimiyento sa ipaiiral na regulasyon ng gobyerno.

Ang kontrobersiyang naganap noong taong 2016 na DENGVAXIA VACCINATIONS sa mga batang mag-aaral na humantong sa mala-torture na adverse effect at daan-daang mga bata ang nangamatay ang naging malaking epekto sa naging kawalang-tiwala ng mga tao sa bakuna.

Hinde masisisi ang mga tao sa kanilang agam-agam lalo pa’t ang mga COVID VACCINES sa ngayon ay hinde pa garantisado ang effective at safety sa tao dahil nasa stage pa lamang ng experimentation ang mga manufacturer, kaya ang taguri nila ay “HUMAN TRIALS”.., na kung tutuusin ay sagot dapat ng mga manufacturer ang lahat ng mga makikipagpartisipa sa kanilang experimentation sa pamamagitan na bayaran nila ang participants lalo na kung maoospital o mamamatay ang mga ito at hinde pa dapat ang mga bansa o mga gobyerno ang magbabayad sa mga bakuna dahil hinde pa nga garantisado ang kanilang gamot!

PAGLILINAW NG ARYA!

PAGLILINAW NG ARYA.Lubos pong nagagalak ang inyong lingkod dahil marami pong sumusubaybay sa ating kolum at marami ang mga nagkokomento tulad sa nailabas kong kolum noong February 4 na may pamagat na IMPLEMENTORS ANG NAGKASALA HINDE ANG DENGVAXIA VACCINES…, LILINAWIN ko po na ang malatortyur na kamatayang sinapit ng maraming mga batang binakunahan ay dahil sa DENGVAXIA VACCINE EFFECT.., na itinurok ng DENGVAXIA IMPLEMENTORS noong taong 2016.

Ang DENGVAXIA CONTROVERSY ay huwag nawang maulit ngayon sa isinusulong na COVID VACCINATION.., ika nga hayaan ang tao sa kanilang kagustuhan o pumili ng bakuna para sa kanila at ang mga ayaw namang magpabakuna ay huwag nawang puwersahin ng gobyerno o ng anumang mga establisimiyento.

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.

The post Covid vaccines huwag gawing mandatory! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Covid vaccines huwag gawing mandatory! Covid vaccines huwag gawing mandatory! Reviewed by misfitgympal on Pebrero 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.