Facebook

Dar resign sa DA: Duterte pumili ng may malasakit sa magsasaka! – Briones

Muling susulat sa pamahalaan ang grupo ng mga hog raisers at poultry farming para mapag-aralang mabuti ang planong pagpapatupad ng price ceiling sa presyo ng karne ng baboy at manok.
Ayon kay Nick Briones, presidente ng Agriculture Sector Alliance of the Philipines at Vice President ng Pork Producers of the Philippines, tila hindi nakarating sa mismong tanggapan ng Pangulo Rodrigo Duterte ang kanilang paliwanag hinggil sa sitwasyon ng suplay ng baboy sa bansa kaya’t pinaniwalaan nito ang desisyon ni Agriculture Secretary William Dar na magpatupad ng 60 araw na price ceiling.
Sinabi ni Briones, na hindi sila sang-ayon sa ipapatupad na price ceiling dahil magkakaroon ito ng masamang epekto sa mga nagbebenta at nag-aalaga ng mga baboy at manok kung saan lubos na mahihirapan ang mga consumer.
Dahil dito, naniniwala sila na hindi na magbebenta ang mga hoggers at retailers dahil malaki ang kanilang ikalulugi.
Iginiit pa ni Briones na posibleng tumaas ang presyo ng ibang produkto tulad ng gulay, baka at isda lalo na’t nagbabanta ng pork holiday ang ibang grupo na matinding makakakapekto ito sa mga konsumer.
Muli nilang inihahayag na lahat ng naging desisyon ng DA tila hindi napag-aralan dahil silang mga magsasaka ang lubos na nahihirapan lalo na’t malaki ang naging epekto ng African Swine Flu (ASF), importation at smuggling na hindi naman nabigyan ng solusyon ng kagawaran.
Patuloy namang sinisisi ni Briones ang DA dahil hindi epektibo ang kanilang programa na “BABay ASF” (Bantay ASF sa Barangay).
At kung hindi babaguhin ng DA ang kanilang programa laban sa ASF tuluyang mauubos ang mga natitirang baboy sa Luzon, Visayas at Minadano.
Matatandaan na kamakailan hiniling na rin ni Briones ang pagbibitiw ni Sec. Dar sa nasabing ahensiya ng gobyerno, subali’t patuloy itong nagbibingi-bingihan.
Kaya nakikiusap ang grupo ni Briones na kung ayaw umalis sa puwesto ni Sec. Dar mas makabubuting pumili na lang ang Pangulo ng isang taong may pagmamahal at malasakit sa mga magsasaka.
Kaugnay nito, pinaiimbestigahan rin ni Briones sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang talamak na technical smuggling ng baboy at manok na isa sa dahilan ng pagkalugi ng local hog raisers sa bansa dahil sa misdeclaration ng mga ini-import na karne ng baboy at manok.

The post Dar resign sa DA: Duterte pumili ng may malasakit sa magsasaka! – Briones appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Dar resign sa DA: Duterte pumili ng may malasakit sa magsasaka! – Briones Dar resign sa DA: Duterte pumili ng may malasakit sa magsasaka! – Briones Reviewed by misfitgympal on Pebrero 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.