Magandang araw po. Report ko po dito sa amin sa Velasquez, Tondo, manila ay parang wala COVID . Sobrang dami ng tao kumakain sa mga kainan sa bangketa, wala social distancing . Siguro wala alam c Mayor Isko sa nangyayari dito sa Velasquez. Kawawa naman kami at sana wag munang ilagay ang number ko. Salamatpo. Dito yan sa VARONA ST. CORNER UGBO ST., TONDO. – Concerned citizen
Kapitan E nanghihingi ng ‘good will’ sa vendors para makalatag sa Binondo
Gud am po. Ako po ay vendor at namamahala din ako ng mga vendor mula po Piesta mall hanggang kanto po ng Tabora, Recto. Sakop po kami ni Chairman Lagdamayo. Ang nirereklamo po namin ay si Kapitan E.. sakop po kami ng Police Station l l, hinihingan po kami ni Kapitan E. ng “good will” para makalatag po kami. Daang libong piso po hinihingi nya. Hindi po namin kaya ang hinihingi nya. Kaya hindi po kami makalatag . Sana makarating ito kay Mayor Isko Moreno. Salamat po. – Vendor
Grabe na ang shabu sa Brgy 122, Manila
Report ko po rito sa aming Barangay 122, Tondo, Manila, grabe na naman po ang bentahan ng shabu. Alam naman ito ng baangay pero tahimik lang sila, takot siguro sa mga tulak. Nakakatakot lang po kasi baka madamay ang mga kabataang inosente rito. Sana maaksiynan agad ito. – Concerned citizen
Nahuling dredging vessels ng China gamitin sa dredging sa Ilog Pasig
Bakit hindi gamitin ng gobyerno ang mga nahuling dredging vessels ng China? Gamitin yang mga dredging vessel sa Ilog Pasig. Gusto nila ibenta pa sa China yung mga burak na makukuha sa Ilog Pasig at Marikina. Malaking pakinabang pa kesa mag-imbistiga wala namang mangyayari. U.S nga takot sa China. Tayo pa edi wow, hahaha. Comment lang po! – Concerned citizen
The post Parang pista sa mga kainan sa Velasquez, Tondo, Manila appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: