Facebook

Devin Booker kapalit ni Davis sa NBA All-Star Game

KASAMA si Phoenix Suns guard Devin Booker sa listahan ng NBA All-Star Game matapos siyang ipalit kay Los Angeles Lakers forward Anthony Davis dahil sa injury.

Ito ang kinumpirma ni Commissioner Adam Silver matapos na isnabin si Booker ng mga NBA coaches para sa reserve spot sa gaganaping game sa March 7 sa estado ng Atlanta.

Una nang nagpahiwatig si Lakers star at Western Conference captain na si LeBron James na kung tutuusin marami ang nagmamaliit sa galing at kakayahan ni Booker sa liga.

Samantala ito na ang ikalawang sunod na All-Star selection ni Booker na ngayon ay nag-a-average ng 24.7 points per game.

Si Booker din ang dahilan at ang ka-teammate na All-Star player din na si Chris Paul kung bakit namamayagpag sa ikaapat na best record ang Phoenix Suns sa NBA ngayon.

Sa darating na March 4, sina LeBron at ang Eastern Conference captain na si Kevin Durant ng Brooklyn Nets ay nakatakdang mag-draft ng kanilang line-up mula sa napiling mga starters at reserves.

The post Devin Booker kapalit ni Davis sa NBA All-Star Game appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Devin Booker kapalit ni Davis sa NBA All-Star Game Devin Booker kapalit ni Davis sa NBA All-Star Game Reviewed by misfitgympal on Pebrero 25, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.