Facebook

James De los Santos nagbulsa ng 7 ginto sa 2021

PATULOY ang pamamayagpag ni Filipino Karateka James Delos Santos ngayong taon matapos magwagi sa Adidas USA Karate Open 2.

De los Santos,ang world number one e-kata player ngayon, ay nasungkit ang ika-pitong gold medal sa 2021, matapos ilampaso si Andrei Nedelcu ng Romania sa final, 25-1,24-7.

Unang pinasuko ni De Los Santos si Alfredo Bustamante ng United States sa first round bago dinaig si Fabien Rassaby ng France sa quarterfinals.

Naikasa ni De Los Santos ang pagtutuos laban kay Nedelcu matapos manaig kontra Jaime Teruel ng Dominican Republic sa semifinals.

Nasikwat ni Nedelcu ang gold medal matapos mangibabaw kay Nejc Stemisa ng Slovenia sa semifinals.

The post James De los Santos nagbulsa ng 7 ginto sa 2021 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
James De los Santos nagbulsa ng 7 ginto sa 2021 James De los Santos nagbulsa ng 7 ginto sa 2021 Reviewed by misfitgympal on Pebrero 25, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.