Facebook

Gigil at inis

NAPAKALAKI ng galit ni Rodrigo Duterte kay Sonny Trillanes. Pinagtutuunan niya ng ngitngit, galit, at gigil. Kung anu-ano ang pinagsasabi kay Trillanes ng tila banhagl na lider sana ng bansa. Labis ang pagkamuhi niya kay Trillanes.

“Mag-iingat ka kay Trillanes. Ibebenta ka niya sa demonyo,” ani Duterte. Pero, ang demonyo ay malinaw na siya. Hindi niya mabili si Trillanes dahil sa prinsipyo. Bukod diyan, alam ni Trillanes ang kanyang pandarambong. Nasasaktan si Duterte dahil ibinisto ni Trillanes ang kanyang kalokohan sa kumakalat na video.

Sa kumalat na video sa social media, isinalarawan ni Trillanes ang pagpapasara niya sa Philweb na pinangungunahan ni Roberto Ongpin, kasapi ng Gabinete sa panahon ng diktador Ferdinand Marcos, at ilan kumpanya ng minahan. Nang magsipagbagsakan ang presyo sa stock market, binili ng kanyang kroni ang mga kumpanya. Tiba-tiba sila.

Hindi makakontra ang grupo ni Duterte. Bistado ang kanilang raket at panloloko sa taong-bayan. Hindi makapalag si Duterte sapagkat alam ni Trillanes ng buong-buo ang kanilang kalokohan. Wala siyang magawa kundi magngangawa at magsasalita ng mga salita na walang batayan kontra kay Trillanes. Hawak siya sa bayag.

Sa hiwalay na panayam sa radyo, sinabi ni Trillanes na galit na galit si Duterte sa kanya dahil ibinisto niya ang kawalan ng kakayahan na patakbuhin ang gobyerno at kawalan ng katapatan sa Filipinas. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Ibinigay niya ang halimbawa ang presyo ng baboy. Nang tumaas, naglagay lamang si Duterte ng hangganan, o price ceiling. Hindi puede ang mga ganyang hakbang dahil nagsara ang ibang nagtitinda ng baboy.

***

HINDI pa tapos ang mga kontrata sa bakuna kontra sa pandemya kahit naipasa na ng Kongreso ang batas na naglalaan ng indemnity insurance sa mga bakunang bibilhin. Hinihingi ng mga kumpanyang gumagawa ng mga bakuna na ipaloob sa kanilang supply contract and provision ng absolute absolution. Walang teka, teka at walang pero pero.

Walang pananagutan ang mga vaccine maker kung sakaling may masamang epekto ang ibinigay nilang bakuna sa sambayanang Filipino. Ani Carlito Galvez, vaccine czar, hindi makatarungan ang probisyon sa absolute absolution dahil mayroon malpractices ang mga kumpanya ng gamot. Iginiit niya ang proteksyon umano sa kanyang negosasyon sa mga vaccine maker.

Iniulat ni Galvez ang detalyeng ito kay Duterte sa lingguhang talastasan sa himpaparid npoong Miyerkoles ng gabi. Hindi natuloy ang regular na pulong balitaan noong Lunes ng gabi kaya itinuloy ito noong Miyercoles. Sa pulong balitaan, malaki ang posibilidad na walang bakuna na darating sa buwan ng Febrero. Depende sa negosasyon sa mga drug maker tungkol sa probisyon ng kontrata, baka sa Marso ang ilang bakuna.

***

AYAW na sana namin magbigay ng komnto tungkol kay VP Leni Robredo. Ang akala kasi ng ilang netizen (hindi sila marami) kinakalaban namin ang kanilang idolo. Pinaghihinalaan na ikinakanal namin ang pamumuno ng Bise Presidente at may pinapaboran kami. Hindi totoo iyon. Hindi lang kami pabor sa kakulangan ng lakas ng loob upang pumagitna sa laban.

Narito ang inakda ng isang netizen, si Rodolfo Divinagracia Hilado. Mayron siyang isinulat na marapat lamang na basahin at suriin kahit ng tagasuporta ng Pangalawang Pangulo.

She is open for a Presidential run, but prefers a local post.

Let us put it this way, she is open to run for President but prefers to run as governor of Camarines Sur.

Its like a glass filled with water in half. If we look at the water, for sure, we can say that the glass is not filled with water. And if we look at the empty space we can say that the glass is not really empty. The fact is, it is half-filled and half empty.

So, what is the decision of Leni? It’s clear that her heart is only half-way to the presidency, it is also half-way to the gubernatorial position in CamSur.

Leni is torn between two lovers and she’s feeling like a fool because loving both the presidency and gubernatorial position is breaking all the rules.

Perhaps, she is hard-pressed to walk in the carpet of the presidency because the gargantuan problems of the country in a post-digong administration is apparent. Compounding to this is the potential war of US and China of which the Philippines is an involved by-stander.

Leni has always played her card in a safe corner. She has always been prudent to the point of being bullied. But Leni has not engaged head-on the attacks of Digong. She prefers a fight without a wound. In that case, the gubernatorial position fits her brand of politics. She is safe as governor of Camsur unscathed from the deadly hand of Davao Group.

It’s time she endorses Trillanes instead: a man who is willing to lock horn with the devil beside the Pasig River. This will solve the enigma in her psyche.

Sa ganang amin, matutuwa ang mga kapanalig ni Rodrigo Duterte sa Kabikulan, kabilang na ang mga Villafuerte kung sakali magdisisyon si Leni na hindi tatakbo sa pangulohan. Batid nila na pinakamalaking tinik si Leni sa kandidatura ng kung sino man na kandidato ng administrasyon. Sa maikli, pasok sa banga sa mapanlinlang na alok na suporta si Leni ng mga naghaharing uri ng mga politiko sa Bicol sakaling magdisisyon siya na tumakbo bilang gobernador.

***

USAP-usapan ang nangyaring barilan sa pagitan ng mga pulis-Quezon City at operatiba ng PDEA sa Ever-Gotesco sa Commonwealth Avenue sa Quezon City. Maraming pulis at operatiba sa nangyari kaya may mga paniniwala na malaking operasyon iyon. Buy-bust operation o sell-bust naman sa kabila. Pero may nagtatanong kug mayroon sell-bust operations sa droga.

Natatandaan namin ang sell-bust operations na isinagawa ng NBI noong 1991. Nasa pamumuno ito ni Gen. Alfredo Lim ang NBI at isa sa kanyang operatiba ang matapat na ayudante na si Rey Jaylo. Bentahan ng heroin sana ang operasyon. Ibinebenta ang droga ng grupo ni Col. Wilfredo de Guzman, isang sundalo na natalaga sa South Command sa Mindanao.

Nauwi sa barilan ang operasyon. Namatay si Col. de Guzman. Matagal na ito at bagong salta pa kami sa Maynila. Matindi ang batikusan sa mass media ngunit pinangatawanan ni Lim ang operasyon. Hindi inalis ni Cory Aquino si Lim sa NBI.

***

MGA PILING SALITA: “The delays in vaccine rollout in the country are inexcusable, but even more offending to the Filipino people are the double standards of this administration.” – Dr. Gideon Lasco, netizen

“It is normal for people to make excuses for their mistakes. No one likes to be seen as inept. But when the mistakes are frequent, as is the case with govt’s botching of virus containment, then excuse-making becomes foundational and idiocy becomes a way of life.” – Joe America

***

Email:bootsfra@yahoo.com

The post Gigil at inis appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Gigil at inis Gigil at inis Reviewed by misfitgympal on Pebrero 25, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.