Facebook

“Kung ano unang dumating, tanggapin na natin”

“KUNG ano ang unang dumating, tanggapin na natin.”

Ito ang payo ni Mayor Isko Moreno sa mga taga-Maynila at tinitiyak niya na makikibahagi siya sa duda ng publiko, kung mayroon man, sa pamamagitan ng pagtiyak na kung ano ang bakunang ituturok sa kanya ay ganun din ang bakunang ibibigay sa lahat ng nais ng libreng bakuna kapag ipinatupad na pamahalaang lungsod ang libreng maramihang pagbabakuna sa kabisera ng bansa.

Ayon kay Moreno, hindi siya partikular sa kung anong brand at saang bansa nagmula ang bakuna, ang mahalaga ay duly accredited ito ng mga national health authorities at experts bilang ligtas at mabisa.

“Kung darating sa isang araw at magiging available, para sa kaligtasan ng taumbayan at para mabawasan ko pangamba mo, hati tayo sa pangamba. Magpapaturok ako bago ko iturok sa ‘yo para pagbula ng bibig ko, bubula din ang bibig mo,” pagbibiro ni Moreno kasabay ng pagtugon niya sa mga tanong ng mga taga-media kung magpapabakuna agad siya sa sandaling dumating na ito.

Nanawagan ang alkalde sa mga taga-Maynila at sa publiko sa pangkalahatan na patuloy na magtiwala sa sistema dahil aniya kung may mga pagkukulang man paminsan-minsan ay kailangan pa ring ituloy ang pagtitiwala na magtatagumpay ang sistema.

Ayon kay Moreno ay kailangan na pagtiwalaan ang mga specialists, doctors at scientists na gumarantiya na ang isang produkto ay ligtas, “kesa naman araw-araw ay one hundred percent kang exposed… ang kagandahan ng bakuna, di ito katiyakan pero karagdagang proteksyon para di ka mapunta sa severe.”

Sa isyu naman ng Sinovac na napaulat na hindi nirerekomenda ng Food and Drug Administration (FDA) para gamitin sa health frontliners na direktang nag-aasikaso sa mga pasyenteng may covid, sinabi ni Moreno na maari pa rin namang gamitin ito ng mga ibang taong hindi mga health frontliners.

“We will respect if a health frontliner will refuse, as a matter of policy. We will offer it then to the general public, like the drivers, vendors and the like. Pangulo mismo ang nagsabi, nagkakaroon na tayo ng problema sa ekonomiya so we must balance buhay at kabuhayan,” sabi ni Moreno.

Sinabi pa ng alkalde na ang pinakamabisang paraan upang pasiglahin ang ekonomiya ay bigyan ng kapanatagan ng isip ang publiko at palakasin ang loob at tiwala ng mga consumer sa pamamagitan ng paglalagay sa kanilang isip na ang mga nagbibigay sa kanila ng serbisyo tulad ng drivers, trabahador sa pabrika, stores, restaurants at iba pa ay nabakunahan na.

“Mas mabisa pag panatag ang kaisipan na bakunado at protektado ang isang nagta-trabaho para mas efficient sa field of undertaking. Sa kabilang banda, ang consumer babalik kasi bakunado ang nagse-serve,” dagdag pa nito. (ANDI GARCIA)

The post “Kung ano unang dumating, tanggapin na natin” appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
“Kung ano unang dumating, tanggapin na natin” “Kung ano unang dumating, tanggapin na natin” Reviewed by misfitgympal on Pebrero 25, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.