Facebook

Arestuhin ang mga namedropper!

SA SIRKULO ng media, madalas ay naitatanong: ano ba ang ibig sabihin ng peke o hao shiao na media?

Ano raw ba ang legitimate media, at ano ang pagkakaiba nila sa mga hao shiao o huwad na mamamahayag.

Medyo mahirap itong ipaliwanag kasi, may mga legitimate media rin na ginagawa ang ginagawa o raket ng mga hao shiao media.

Una, ang hao shiao ay peke o huwad, na ang ibig sabihin, wala siyang establisadong media outlet na tulad ng isang pahayagan, radio o TV network.

Pero paano kung may pahayagan ang isang hao shiao na media – na marami ang ganito ngayon?

Ang intensiyon ang ating tingnan: bakit ba siya nagtayo ng pahayagan, at sino-sino ba ang nasa likod ng pahayagan niya na nagluluwal ng libo-libong piso kada linggo.

Noon pa ay lantad na ang ilang pahayagan na ang publisher – ang tunay na publisher at financier – ay kilalang bigtime o may ilegal na transaksiyon sa ilang ahensya ng gobyerno tulad ng sa Bureau of Customs (BoC).

Ginagamit ang pahayagan na “panakot” at “pang-impluwensiya” para magkaroon ng special treatment ang transaksiyon ng kanilang financier para mailabas nang walang gaanong rekisitos o problema ang kanilang legal at ilegal na transaksiyon.

Ilan lang ito sa mga “senyales” sa mga hao shiao o pekeng mamamahayag, bukod sa katotohanan na sila ay hindi talaga marunong magsulat.

Kilala rin naman sa Customs kung sino-sino ang “mga tunay at mga hindi tunay” na mamamahayag o legit media persons.

Nitong mga nakaraang araw, may nagbulong sa inyong lingkod, umano nagkakabiruan ang ilang mamamahayag, kasi perfect daw ang partnership nina BoC Commissioner Rey Leonardo “Jagger” Guerrero at Deputy Commssioner for Intelligence (retired) Gen. Raniel Ramiro.

Crusaders ang dalawa na talagang desidido na mabawasan at kung magagawa ay mabura ang talamak na smuggling activities sa BoC na ilang dekada nang matatag ang pundasyon sa kanilang ilegal na gawain.

Kung tawagin nga sina Guerrero at Ramiro ay “Batman & Robin”— ang dalawang cape crusaders sa fiction comics ng Action Comics publication sa US.

Umiiral ang maraming sindikato sa Gotham City sa comics serial na iyon at sa tuwing may mapupuksa silang masasamang tao, ay may sumusulpot na mga bagong villain.

Marami ngang villain o kontrabida sa malikhaing buhay nina Batman at Robin at bunga ng tulong ng mabait na police commissioner at ng taumbayan, napagtatagumpayan ng dalawa ang kanilang pakikibaka laban sa kasamaan.

Kaya nga, nasa tamang landas ang ginagawa ng dalawa na hikayatin ang lahat, kasama ang media, at ang mga kapwa nila sa gobyerno na huwag gumamit ng poder at impluwensiya para maging matagumpay ang paglaban nila sa corruption at para sa truth and justice.

Kaisa nila tayo sa makabayang adhikaing ito.

***

Marami ang mga nagpapanggap na mabait at kakampi ni Guerrero pero hindi pala dahil may ginagawang kabalbalan.

Paalala Comm. Guerrero: marami po ngayon ang dikit sa inyo na may kani-kaniyang agenda para sa kani-kanilang ineterest ang ngayon ay naka-penetrate na dyan sa inyong opis.

Ayaw po nating kayo ay mabigo sa inyong layunin na pagandahin ang imahen ng BoC kaya kung ako sa inyo ay dapat maging extra careful po kayo sa pagtitiwala sa mga taong inyong inuutusan na imbes na gumawa ng kabutihan ay baka sila pa ang gagawa ng mga diskarte na magbibigay ng kasiraan sa inyong maningning na rekord bilang Customs chief.

***

Dati nang may warning sina Presidente Rodrigo Roa at Comm. Guerrero laban sa mga namedroppers at sa mga padrino, pero tila wala silang takot.

Pakisampolan po ang mga tao na gumagamit sa pangalan ni Davao City Congressman Paulo “Pulong” Duterte para makapagpalabas ng mga kargamentong hindi binayaran ng tamang buwis.

Aba, DepCom for Intelligence retired Gen. Raniel Ramiro, ang marching order ng ating Pangulo at ni Comm. Guerrero ay maliwanag.

Habulin at usigin at kasuhan ang mga buweset na taong ito na gumagamit ng pangalan ni Cong. Pulong Duterte.

At once and for all, magsalita si Pulong at mag-utos sa lahat na agad arestuhin at kasuhan ang mga gumagamit ng kanyang pangalan at humihingi ng special treatment para makapagpalusot ng mga ilegal nilang gawain sa BoC.

DepCom Ramiro, sa dami ng mga asset mo, tiyak na makikilala mo ang mga namedropper na ito.

Kumilos na po kayo, Sir Ramiro at baka mag-isip ng hindi maganda ang publiko, ngayon na!

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa bampurisima@yahoo.com.

The post Arestuhin ang mga namedropper! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Arestuhin ang mga namedropper! Arestuhin ang mga namedropper! Reviewed by misfitgympal on Pebrero 25, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.