Facebook

DOH sa LGUs: Paigtingin ang pagpapatupad ng health protocols

HINIKAYAT ng Department of Health (DOH) ang lahat ng local government units (LGUs) na paigtingin pa ang mga hakbang laban sa Covid-19.

Ginawa ni Health Usec Maria Rosario Vergeire dahil na rin sa posibleng pagpapagaan ng gobyerno ng quarantine sa buong bansa sa modified general community quarantine simula sa Marso 1.

Ayon kay Vergeire, kahit magluwag na sa ibat-ibang sektor ay matiyak na mapangalagaan na hindi na tumaas pa ang kaso.

Paliwanag ni Vergeire, anumang restrictions o risk classification aniya ang ipatupad ang mahalaga ay may kakayahan ang LGUs na gumawa ng mga hakbang o pagtugon.

Sinabi pa ni Vergeire na binigyan ng IATF ng otoridad ang mga LGUs na pagpatupad ng localized lockdowns sa sandaling may pagtaas ng kaso sa kanilang nasasakupan.

Kailangan din aniyang paigtingin din ang kanilang mga surveillance, contact tracing, testing,isolation, at treatment.

Kaugnay nito, nagpaalala si Vergeire sa publiko na huwag maging kampante kahit na ang buong bansa ay ilagay na sa mas mababang antas ng community quarantine.

Dapat pa rin aniyang sumunod sa ipinatutupad na health at safety protocols at minimum public health standards. (Jocelyn Domenden)

The post DOH sa LGUs: Paigtingin ang pagpapatupad ng health protocols appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
DOH sa LGUs: Paigtingin ang pagpapatupad ng health protocols DOH sa LGUs: Paigtingin ang pagpapatupad ng health protocols Reviewed by misfitgympal on Pebrero 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.