Facebook

Covid update: 504 gumaling; 239 nasawi; 2,240 bagong kaso

NAKAPAGTALA ng mahigit na dalawang libong kaso ang Department of Health (DOH) ngayong Sabado, Pebrero 20.

Ayon sa DOH ng kabuuang 559,288 kaso ng Corona virus disease sa Pilipinas dahil sa 2,240 na nadagdag ngayong hapon.

Ang mga gumaling naman sa sakit ay nasa 513,120 matapos na madagdagan pa ng 504.

Habang ang mga namatay ay umakyat na sa 12,068 dahil sa karagdagang 239.

Umabot naman sa 34,100 ang aktibong kaso na patulog na nagpapagaling o ginagamot sa mga treatment facility.

Sampung duplicates ang inalis sa total case counts kung saan 6 ang recovereis.

Habang 167 kaso na natag bilang recoveries ang na-reclasssify bilang deaths matapos ang final validation.

Sa napipintong pagpapagaan sa community quarantine sa bansa simula sa Marso 1 para sa pagbubukas ng ekonomiya, paalala ng DOH na huwag magpakampante at lagi pa rin isa-puso’t isip ang health safety protocols at minimum public health standadrs upang maiwasan ang pagtaas pa ng kaso ng Covid-19 sa bansa. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)

The post Covid update: 504 gumaling; 239 nasawi; 2,240 bagong kaso appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Covid update: 504 gumaling; 239 nasawi; 2,240 bagong kaso Covid update: 504 gumaling; 239 nasawi; 2,240 bagong kaso Reviewed by misfitgympal on Pebrero 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.