Facebook

National at local elections sa May 2022 tuloy – Comelec

TULOY na tuloy ang halalan sa Mayo 9, 2022.

Ito ang tiniyak ni Comelec Spokespman Director James Jimenez sa kabila ng umano’y pagsusulong ng federalismo at revolutionary government ng ilang mga grupo.

Ayon kay Jimenez, may mga natanggap na silang mga pagtitiyak mula sa iba’t-ibang indibidwal na hindi nila pipigalan ang hahalan.

Gayunman, sinabi ni Jimenez na kung susubukan man nila o hindi ay itutuloy pa rin ang May 9, 2022 national at local elections alinsunod na rin sa itinatadhana ng konstitusyon.

Ayon kay Jimenez, salig sa konstitusyon ang skedyul ng halalan ay ginagawa tuwing ikatlong taon at ikalawang Lunes ng buwan ng Mayo at dapat aniya itong sundin.

Samantala, nilinaw ni Jimenez na hinihiling umano ng BARMMM ang postponement ng halalan dahil mayroon umanong transition period na ibinigay para sa kasalukuyang ARMM model sa BARMM parliamentary model.

Ito ang inihayag ni Jimenez sa kasalukuyang estado ng BARMM region kaugnay sa darating na halalan. (Jocelyn Domenden)

The post National at local elections sa May 2022 tuloy – Comelec appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
National at local elections sa May 2022 tuloy – Comelec National at local elections sa May 2022 tuloy – Comelec Reviewed by misfitgympal on Pebrero 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.