Facebook

Mayor ng Bulacan at Misis, nagpositibo sa Covid-19

Agad inanunsyo ni Balagtas Mayor Eladio Gonzales Jr. at ng kanyang may bahay via social media na kapwa sila tinamaan ng Corona virus disease 2019 na asymtomatic
Ayon sa Alkalde, una na silang nagpa swab test sa Joni Villanueva Molecular Diagnostic Laboratory sa bayan ng Bocaue.
Aniya, “ito ay pinababatid ko sa inyo sapagkat ako po ay inyong alkalde at tungkulin ko rin na ipaalam ang kalagayang pangkalusugan ng inyong lingkod, Walang dapat itago. Ako po ay isang senior citizen na, ngunit asymptomatic or walang nararamdamang sintomas.
Aking susundin ang mahigpit na payo ng ating municipal health office na sumailalim sa quarantine para sa kaligtasan ng lahat.
Inabisuhan din ng 60-anyos na mayor ang lahat ng municipal personnel na magpa-swab tests at kailangan din na isailalim sa disinfection ang mga opisina sa munisipyo.
Samantala si Vice Mayor Ariel Valderama ang magpapatuloy sa ilang mga gawain ng punong-bayan.
Umapila ang alkalde sa publiko na magsilbi itong paalala sa lahat na parating mag-ingat sapagkat ang Covid-19 ay nasa paligid.
Mahalagang isapuso at isaisip ang ating mga health protocols nabatid na mula Pebrero19, nakapagatala ang Balagtas ng 471 confirmed cases, 39 na active, 418 recoveries, at 14 na namatay sa Covid-19.(Thony D. Arcenal)

The post Mayor ng Bulacan at Misis, nagpositibo sa Covid-19 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mayor ng Bulacan at Misis, nagpositibo sa Covid-19 Mayor ng Bulacan at Misis, nagpositibo sa Covid-19 Reviewed by misfitgympal on Pebrero 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.