ARESTADO ng mga tauhan ng PNP Anti-Kidnapping Group (AKG) ang tinaguriang “estafa queen” sa ikinasang operasyon sa Mactan Tropics Subdivision sa Brgy. Basak, Lapu-Lapu City, Cebu.
Kinilala ang dinakip na si Leonora Cantero alyas Leigh Abad, na nahuli sa kanyang mismong bahay sa Brgy Basak.
Ayon kay PNP-AKG Director, BGen. Jonnel Estomo, tinagurian si Cantero na estafa queen dahil sa dami ng nabiktima nito sa lalawigan ng Cebu partikular mga negosyante.
May kasong large scale illegal recruitment at 7 counts estafa si Cantero.
Batay sa ulat, nagpakasal si Cantero sa isang Kenneth Patrick Cantero noong 2012. Pero isang taon ang lumipas muli siyang ikinasal sa isang James Abad, kaya naitago niya ang kanyang personal information at nagpapakilala na siyang Leigh Abad para matakasan ang kanyang mga kaso.
Pero dahil sa dami ng reklamo sa kanya at walang tigil na pag-iimbestiga ng pulisya, natukoy ang kinaroroonan ng suspek at naaresto ito.
The post ‘Estafa queen’ arestado sa Cebu appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: