Facebook

May pag-asa pang magbago: 2 Dating solvent boys, nabigyan ng trabaho ni Isko

MULING napatunayan na may panahon pang magbago ang isang tao na nasadlak sa masamang gawain nang maging tauhan na ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang dalawang dating solvent boys.
Tulad nang ibang naligaw ng landas nabigyan ng trabaho ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sina Ralph Acebedo, 25, ng Binondo, Maynila; at Leo Francisco Bantuas, 23, ng Moriones, Tondo.
Napag-alaman na kapwa naaresto ang dalawa ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) Dagupan outpost makaraang lumabag ang mga ito sa PD 1602 (illegal gambling) dahil sa paglalaro ng cara y cruz at metrowide curfew nitong nakaraang Hunyo 2020 kasabay ng kasagsagan ng pandemya dulot ng COVID-19.
Ayon kay MPD-Dagupan outpost Supervisor PSMS Gerardo Tubera, na kapwa pagala-gala lamang sina Acebedo at Bantuas sa area ng Divisoria kung saan nadadawit din ang mga ito sa pagsinghot ng solvent.
Hindi naman ito naging hadlang o dahilan upang mabigyan ng pagkakataon ang dalawa kaya inalok sila ni Tubera na maging “volunteer” na lamang sa Dagupan area.
Inatasan ang dalawa na magpaalala sa mga tao na sumunod sa ipinapatupad na minimum health protocols tulad ng tamang pagsusuot ng facemask at face shield gayundin ang pagpapanatili ng physical distancing upang hindi na kumalat pa ang sakit na COVID-19.
Dahil sa kanilang ipinakitang kagustuhang magbago makalipas ang ilang buwan, nabigyan sila ng pagkakataon na makapagtrabaho ng regular bilang bagong mga traffic enforcer ng MTPB.
Hindi naman masidlan ang kagalakan nina Acebedo at Bantuas kay Domagoso gayundin kay Tubera dahil sa pagkakataong naibigay sa kanila para makapagbagong buhay na maaring makatulong din sa kanilang pamilya.(Jocelyn Domenden)

The post May pag-asa pang magbago: 2 Dating solvent boys, nabigyan ng trabaho ni Isko appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
May pag-asa pang magbago: 2 Dating solvent boys, nabigyan ng trabaho ni Isko May pag-asa pang magbago: 2 Dating solvent boys, nabigyan ng trabaho ni Isko Reviewed by misfitgympal on Pebrero 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.