Facebook

MILO CHAMPION HABIT KATUWANG ANG DEPED VIA ONLINE

NAGKAISA ang Milo Philippines at Department of Education (DepEd) upang mas lalo pang ilapit sa marami, higit na sa mga kabataan ang pagtataguyod ng pampalakasan mula sa paglulunsad ng Milo Champion Habit via online.
Ito ay upang mapadaling ituro sa mga kabataan sa tulong ng kanilang mga guro, magulang at coaches ang mga basic instructions at ehersisyong inihahatid ng dalawa sa respetado at multi-awarded athletes na sina volleyball superstar Alyssa Valdez at Southeast Asian Games champion Japoy Lizardo na magkatuwang na itinuturo ang 4 na klase ng easy-to-do-it na exercise sa loob ng 6-na minuto sa kanilang YouTube channel na umabot na sa mahigit 38 million na manonood sa buong bansa.
“We always believe that active kids are better learners, that’s why with our programs shifted into digital based, we launched another way to help our kids boost their lifestyle into healthier and better performers in school and in sports,” pahayag ni Lester Castillo, Asst. Vice president ng Nestle Philippines – Milo, kasama si Milo Ambassador Japoy Lizardo kahapon sa lingguhang TOPS: Usapang Sports on Air.
“It’s easiest way to inspire our kids to do active and do even more at the expense of their own home. Everyone can do it before or after their online classes,” dagdag ni Castillo.
Malaking papel ang ginagampanan ng DepEd sa mandato nitong bigyang prayoridad ang pampalakasan, na napapabilang sa mga polisya ng estado kaakibat ang iba pang mga mahahalagang pinag-aaralan kasama ang edukasyon, kultura, sining, agham at teknolohiya.
Paraan din ito na maisama sa konteksto ng pagtuturo sa larangan ng Physical Education at maipasok sa DepEd Learning Kumon o learning mode para gawing warm up exercises sa lahat ng mga estudyante sa bansa.
“Yung konsepto ng pagpapahalaga sa sports o pag-engage sa physical activities, sports competitions ay isang mandato na nakaploob mismo sa ating saligang batas. Iyan ay isang polisiya ng ating estado na bigyang prayoridad ang pampalakasan…mahalaga po ang mga paggalaw at physical activities sa konteksto ng palakasan, dahil ayan po ang itinatadhana ng batas,” paliwanag ni DepEd Undersecretary Tonisito Umali sa programang hatid ng Philippine Sports Commission (PSC), (PAGCOR) at (GAB). “Kaya kami ay nagpapasalamat sa Milo Philippines, dahil kahit sa panahon ng pandemya, dahil sa kanila natutulungan nila ang kagawaran ng edukasyon kung papaano maisulong at maisakatuparan ang mandatong ito, sa pamamaraan katulad po ng Milo Champion habit.” (Danny Simon)

The post MILO CHAMPION HABIT KATUWANG ANG DEPED VIA ONLINE appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
MILO CHAMPION HABIT KATUWANG ANG DEPED VIA ONLINE MILO CHAMPION HABIT KATUWANG ANG DEPED VIA ONLINE Reviewed by misfitgympal on Pebrero 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.