WISH ng sports at showbiz celebrity na si Gary Ejercito ang muling pagsigla ng larangang sports ngayong 2021 na tinengga ng pandemya nang halos isang taon gawa ng salot na Covid-19.
Partikular na ang malapit sa kanyang pusong sports na softball at baseball.
Si Ejercito(aka Gary Estrada) na naging matinee idol, dramatic actor sa pinilakang tabing at teleserye star bago naging lingkod-bayan ay top player din sa commercial baseball league sa Kamaynilaan at napabilang na sa pambansang koponan ng PABA na pinamumunuan noon ni (late)Hector Navasero. Kalaunan ay naging team owner / player siya ng koponang softball sa lalawigan ng Quezon kung saan ay naging Board Member din siya sa Provincial Capitol.
Bagama’t ang softball/baseball ay nasa kategoryang non- contact sport ay naging maingat pa rin ang kinauukulan partikular ang Inter- Agency Task Force (IATF) sa pagpahintulot na payagan na ang mga aktibidad sa larangan tulad ng mga ligang komersiyal at mga palaro sa grassroot level hanggang sa huling bahagi ng nakaraang taong 2020. Nang magluwag na ang IATF noong Setyembre hanggang Disyembre kung saan ay napayagan na ang Philippine Basketball Association ( PBA) na magdaos ng season conference bubble sa Clark, Pampanga ay kasunod na rin ang ibang sports sa kondisyong naroon pa rin ang pagpapatupad na health protocol ng naturang task force in fighting Covid-19.
Pinayagan na rin ang balik- puspusang training ng mga elite national team partikular ang mga Olympic- bound Pinoy best bets.
“Dahil sa pagluwag na ng alituntunin ngayong 2021 ay handa nang bumalik sa field at diamond ang ating mga manlalaro pati na ako upang magpakundisyon nang husto with strict compliance of health protocol”, pahayag ni Ejercito sa virtual na panayam.
“ Pakundisyon muna ang mga bata sa ating field sa San Antonio( Quezon) bago tayo lalahok sa mga pocket tournament sa grassroot then sa malakihang liga na sa Metro Manila.Marami tayong talents na natengga ng pandemya.Hopefully full packed ang aksiyon sa field at diamond ngayong taon They’re raring to swing at bat..let’s play ball!, “ ani pa Ejercito.
Si Ejercito ay todo- suportado ang kanyang adbokasiya ng maybahay niyang si aktres Bernadette Allyson at mga supling na sina Gianna , Gerielle at Garianna na pawang mga mahuhusay na manlalalaro sa International Little League of Manila (ILLAM softball )at potensiyan na maging Blu Girls ng national team sa hinaharap.
Ang mga plano ni Gary E. sa sport ay suportado rin ng kanyang malalapit na kaibigang sina Japanese baseball expert Keiji Katayama- coach/ consultant ng Philippine baseball team na nagkampeon noong 30th Southeast Asian Games Philippines 2019 , coach Iking Jimenez ,DeLa Salle ( UAAP baseball) coach Joseph Orillana at mga niyembro ng national baseball at softball team.(Danny Simon)
The post FULL-PACKED ACTION SA FIELD AT DIAMOND! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: