INIHAYAG ni Lapu-Lapu City Mayor Junard Chan na hihilingin niya sa City Council na ideklarang “persona non grata” sa lungsod si Fil-Am rapper Ez Mil
Ito’y kasunod sa kontrobersyal na lyrics ng kanta nitong “Panalo” patungkol sa bayaning Cebuano na si Lapu-Lapu.
Naging kontrobersyal ang rapper dahil sa nasabing kanta na kasama ang linya na: “Nanalo na ako nung una pa na pinugutan si Lapu sa Mactan”.
Nag-sorry naman ito matapos makaani ng pamba-bash sa publiko.
Dahil pa sa kontrobersiya, laking galit ng alkalde sapagkat gumagawa lang umano ng kwento si Mil.
Dapat din umanong respetuhin ang bayani at hindi kutyahin.
Hihilingin din ni Chan sa City Legal Department kung anong aksyon ang posibleng ipapataw sa rapper.
The post Ez Mil ipadedeklarang ‘persona non grata’ sa Lapu-Lapu City sa ‘bastos’ na kanta appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: