KUNG alam ng mag-amang Rodrigo at Sara Duterte at alalay na Bong Go, iba na ang foreign policy ng Estados Unidos sa Asya. Inilipat ng Amerika ang focus sa China. Natalo ng mga magkakasamang puwersa sa pamumuno ng Estados Unidos ang puwersa ng ISIS sa Iran, Iraq, at Syria sa Gitnang Silangan. Narendahan sa wakas ang magulong Taliban sa Afghanistan.
Kung alam ng mga Duterte, Bong Go,at nagmamagaling sa gobyernong Duterte, nagbigay linaw ang Pangulong Joe Biden na sa Asya nakatutok ang foreign at defense policy ng Estados Unidos. Pipigilan ng Estados Unidos ang pagpapalawak at pagpapalaki ng impluwensiya ng China sa Asya at ibang bahagi ng mundo.
Sinabi ni State Secretary Anthony Blinken kay Teddyboy Locsin na may epekto ang Mutual Defense Treaty sa pagitan ng dalawang bansa sa sandaling lumusob ang China sa Filipinas. Kinumpirma ni Defense Secretary Lloyd Austin ang U.S. defense modernization program upang palakasin ang kapasidad ng Estados Unidos sa aspetong militar – forward power projection.
Sa kanyang pagharap sa confirmation hearing, sinabi ni Lewis sa mga senador na haharapin ng Estados Unidos ang hamon ng China sa Asyac at pananatilihin ang “competitive edge” ng U.S. sa Peking. Sapagkat isang sundalo si Austin, kasama sa bagong defense policy ang palakasin ang kapasidad ng Amerika sa himpapawid at karagatan.
Kasama ang pagpalaki ng budget ng defense budget sa U.S. Mayroon shipbuilding program ang Estados Unidos na gagawa ng 82 barko pandigma sa susunod na apat na taon (2022-2026) sa halagang $147 bilyon. Gagamitin ang kapasidad sa mga bagong teknohiya – cyberspace at artificial technology upang mapanatili ang pamumuno sa mundo, aniya.
Inamin ni Austin na isang regional power ang China, ngunit pipigilan ng Estados Unidos ang anumang ambisyon na maging isang world power. Naniniwala si Austin na gustong maghari ng China sa mundo at makikita ito sa mga pamimilit (coercive behavior) ng China sa ibang bansa. Nagbabala ng digmaan si Xi Jin-ping sa pagpapalit ng polisiya. Tinatawanan siya.
***
MATINDI ang epekto ng pagbabago ng foreign at defense policy ng Estados Unidos sa Asya. Hindi makakaasa ng suporta mula sa Estados Unidos si Rodrigo Duterte. Maliit ang tingin kay Duterte; mistulang alipin ng China si Duterte sa pagsipsip kay Xi. Hindi papayag ang Washington na isang pro-China ang hahalili kay Duterte.
Magaling ang intelligence ng Estados Unidos; may maaasahan sa mga ulat ng Amerika tungkol sa mga pangyayari sa China at ang plano ng kanilang lider na ipanalo sa 2022 ang kanilang utusan sa Filipinas. Nilinaw Ni Austin na hindi ang Filipinas ang uunahin. Kasama ang Taiwan at Hong Kong na parehong sinusuwag ng China na maging sunod-sunuran.
Taksil sa bayan si Rodrigo Duterte. Mistulang isang Makapili si Rodrigo na interes ng China ang pangangalagaan at ipagtatanggol. Maasahan na ilalaban niya si Sara Duterte, kasalukuyang alkalde ng Davao City sa 2022. Bagamin hindi nalalayo si Bong Go sa pagpipilian kung hindi pumuwede si Sara.
Sapagkat nauna si Sara na ipakita ang kulay ng salawal at totoong nag-aambisyon na maging kahalili ng sakiting ama, tinawag tuloy siyang “Sara sa basura.” Hindi masagot ang maikling talinghaga tungkol sa anak. Sa ngayon hindi malaman kung si Bise Presidente Leni Robredo o dating Senador Sonny Trillanes ang lalaban sa kanya.
Maraming netizen ang pumapabor kay Leni kahit na hindi sila tumatanggi kay Sonny Trillanes kung siya ang babangga sa grupo ng Inferior Davao. May balita na mas gusto niya na tumakbo bilang gobernador ng Camarines Sur. Hindi pa sinasagot ni Leni ang isyu na ito. Hindi pa malinaw kung may sasalo sa pangangailangan na malaking pondo sa kampanya.
***
HUWAG magsaya kung may bilyones ang Inferior Davao City na magagamit sa kampanya, o kung kontrolado nila ang Comelec upang makapandaya sa halalan. Huwag magsaya kung kampi sa kanila ang China at bubuhusan sila ng bilyon upang masiguro na sila ang mananalo. Hindi sa lahat ng oras nananalo ang mga malalakas. Kaya nga may upset.
Hindi ang Estados Unidos ang maaaring makaapekto sa susunod na halalan. Paano kung biglang magdesisyon ang International Criminal Court ngayong taon at ipahuli si Duterte sa madugo ngunit bigong digmaan kontra ilegal na droga? Paano kapag isang international force ang dumating sa kanyang bahay sa Davao City upang arestuhin siya?
Malaking kahihiyan ito sa pandaigdigan pamayanan (international community). Maaaring tumakbo siya papunta ng China upang doon humingi ng political asylum. Hindi malayo na mangyari ito. Subalit ipapakita lamang niya na hawak siya ng China.
Kukumpirmahin na taksil si Rodrigo Duterte sa bayan, o isang Makapili. Walang bago sa pangyayari. Ang mahirap ay kung magsabit siya. Ituro kaya ang mga Arroyo bilang mga kasapakat sa mga sabwatan na pumasok ang China? Nandiyan si Bong Go at anak na si Sara at Polong bilang mga kaalyado sa pagdungis sa Office of the President?
***
PALPAK na pamamahala ang ibinigay ng Inferior Davao sa bansa. Bigay ang pinakamababang marka sa Filipinas: -9.5% sa 2020. Lampas 10 milyon ang nawalang trabaho sa mga Filipino. Gapang sa hirap ang bawat Filipino.
Hindi lang iyan. Baon sa labis na utang ang Filipinas. Maaaring umabot sa P15 trilyon ang utang ng Filipinas sa pagtatapos ng termino ni Duterte sa susunod na taon. Lampas P10 trilyon ang utang ng national government sa pagtatapos ng 2020.
Sapagkat wala nakokolektang buwis si Duterte dahil hanggang ngayon namamalahibo pa ang pambansang ekonomiya, hindi malayo na umutang siya ng P5 trilyon upang bigyan ng dingas ang naghihingalong kabuhayan sa susunod na 16 na buwan. Kapag umabot ang utang sa P15 trilyon, lalabas na pinakapabaya ang kanyang gobyerno.
Lalabas na nakapangutang ito ng P9 trilyon sa loob ng anim na tao na termino, o P1.5 trilyon kada taon. Ito ang pinakamagastos na gobyerno sa kaysaysan. O, ang pinakawalang konsensiya na pamahalaan.
***
QUOTE UNQUOTE: “SARA DUTERTE is China’s candidate in 2022. The presidential candidate of my enemy is also my ENEMY. A big NO to SARA.” – PL, netizen
“TWO guys the U.S. wouldn’t want PHL next president: BBM and Sara. BBM means bigtime plunder; Sara, China’s puppetry.” – PL, netizen
The post Focus sa China appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: