“SA Maynila, hindi mahal ang magmahal.”
Ito ang pahayag ni Mayor Isko Moreno nang pangunahan nilang dalawa ni Vice Mayor Honey Lacuna ang paglulunsad ng ‘MayniLove’ sa Mehan Garden malapit sa Manila City Hall noong Lunes, Feb. 1 para sa lahat na nais ipadama ang kanilang pagmamahal sa kanilang asawa, kapartner at mahal sa buhay sa nalalapit na Valentine’s Day nang hindi kailangan na gumastos ng mahal.
Ayon kay Moreno ay walang bayad ang pagpasok sa venue at maaari ng mag-enjoy ang mag-asawa, magjowa at pamilya sa pakikinig ng live music, picture taking, food at gift items.
Ayon kay Business permit and licensing office chief Levi Facundo na siyang punong abala sa nasabing proyekto, ito ay bahagi pa rin ng ang programa ng pamahalaang lungsod na ‘Manila Support Local.’
“This time, we are helping the industries involved in flowers (florists), food as always because this is essential, local artists from bands, to violinists, saxophone players and other performers. Some stuff toys will be on sale as well, chocolates and candies, scents and scented candles, apparel made for couples as well as accessories and many more including fine dining,” ayon kay Facundo.
Alinsunod sa tagubilin ni Moreno, ginawan ng kumpleto at kakaibang anyo ni Facundo ang Mehan Garden upang maging angkop sa pagdiriwang ng Valentines Day.
“The lights, the music, the ambience will certainly put you in the mood. Watch out for our holograms, our 3D art walls and of course the LOVE sculpture as our centrepiece,” ayon oa pa kay Facundo.
Sinabi ni Moreno na nakita niya ang idea kung saan ang mga mamamayan ng Maynila ang kanyang nasa isip at may isang magandang lugar na puwedeng pasyalan nang hindi kailangang gumastos ng mahal.
Ipinangako rin ng alkalde na patuloy na tutulungan ang mga negosyante lalo na sa panahon ng kahirapan dala ng pandemya sa pamamagitan ng BPLO.
Kaugnay pa nito, ang pamahalaang lungsod ay patuloy na lilikha ng mga proyekto na tutulong, makakagawa at manatili ang trabaho at makapagbigay pa ng negosyo sa mga taga-lungsod.
Matatandaan na ang nasabing venue ay siya ring lugar kung saan ginawa ang ‘Paskuhan sa Maynila’ na nagbigay aliw at kasiyahan sa mga residente ng libreng Christmas-themed venue na may live bands, instragrammable attractions at bazaars kung saan may itinitindang pagkain, drinks, gift items at iba pa.
Ayon kay Facundo, mahigpit na inutos ng alkalde ang pagpapatupad ng health protocols upang ang mga tao sa loob ng venue ay ma-monitor at ma-maintain ang limit.
Mayroon ding COVID marshalls na mag-iikot sa loob upang tiyakin na ang lahat ay nakasuot ng face masks at face shields at may physical distancing.
Samantala ay inilunsad noong Lunes, Feb.1 nina Moreno at Lacuna kasama si Manila Health Department chief Dr. Arnold Pangan ang ‘Measles Rubella Supplemental Immunization Activity’, na tinawag na ‘Chikiting Ligtas Sa Dagdag Bakuna Kontra Rubella at Tigdas. (ANDI GARCIA)
The post “HINDI MAHAL ANG MAGMAHAL SA MAYNILA” – ISKO appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: