ILANG buwan nalang halalan na! Sa darating na Oktubre filing na ng Certificate of Candidacy ng mga pulitikong nagnanais na maglingkod.
Isa sa batayan ng mga botante ay kung may nagawa ba ang mga tumatakbong pulitiko sa panahon ng pandemya na ang karamihan ay nagtatago o “missing”? Lumalabas lang kapag ELEKSYON.
Maingay ngayon ang bulong-bulungan kung sino nga ba ang makakatunggali ng kasalukuyang Gobernador Daniel R Fernando ng Bulacan.
Ayon sa ilang tsismosa at tsismoso lalabanan umano ng kanyang “kasangga” na si Vice Governor Wilhelmino Sy-Alvarado. Kung magkatotoo ito abay magandang laban.
May mga dating gobernador ng Bulacan na gaya nina Pagdanganan, Josie at Mendoza ang sumubok na tumakbo sa inaakala nilang makakabalik sila sa pwesto. Pero walang pinalad.
Saganang akin mahirap talunin ang isang Daniel Fernando, ika nga ang bumangga giba? Dahil mula Marso 2020 kung saan pumutok ang COVID-19 hanggang sa kasalukuyan ay walang siyang sinayang na oras sa pagseserbisyo para sa mamamayan.
Kahit kasulok-sulukang barangay sa sa Bulacan sinusuyod niya para maghatid ng tulong o ayuda. Walang piniling araw ang gobernador na ang tanging hangad ay madalhan ng tulong ang kanyang mga kababayang lubhang apektado ng pandemya na nawalan ng trabaho at pangkabuhayan dulot ng COVID-19.
Halos ginawa na niyang araw ang gabi, masulusyon lang ang virus na gumimbal sa buong mundo. Ang nakakamatay na sakit na nagpabago ng buhay ng bawat Pilipino.
Lahat ng suhestiyon na inihain ay kanyang pinag-isipan at ginawan ng paraan para malabanan ang pandemya.
Lumikha siya ng mga laboratoryo, centers na siyang tututok sa COVID-19.
Mula sa pagmulat ng kanyang mga mata ay siya ring simula ng kanyang pag-iikot sa mga barangay. Pag-iikot na sa pakiwari ko ay wala nang katapusan dahil hangga’t may banta ng COVID-19, bagsak ang ating kabuhayan, dadapa ang ating ekonomiya.
Maswerte ang mamamayan sa Bulacan dahil meron silang gobernador na masasandalan sa oras ng kagipitan.
Kaya paano tatalunin ang isang DANIEL FERNANDO na ang iniisip lagi ay ang pagsilbihan ang kanyang mamamayan.
Abay, paano mo patataubin ang isang mahusay at matapat na lider, na bukod sa ubod ng sipag matulungin na madali pang lapitan.
Performance, yan ang nakita natin kaya paano matatalo ang isang masipag na Gobernador Daniel R. Fernando sa 2022 election ang People’s Governor.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Samantala, laging subaybayan ang palatuntunang “walang personalan trabaho lang” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00nn sa RADYO NG MASA entertainment net radio. Tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band at 10:00am-11:00am sa DWXR 101.7FM – Mapapanood livestreaming via Facebook at Youtube!
The post Gov. Fernando, mahirap talunin sa 2022 election appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: