Facebook

Tata Jay, bukod kang pinagpala sa lahat ng mga enkargado

TALAGANG bukod kang pinag-pala sa lahat ng mga enkargado o bagman ng mga presinto na nasasakupan ng Manila Police District (MPD).

Bakit kamo? Mantakin mong bukod sa malakas ka sa mga padrino mong malapit umano kay Yor-me Isko Moreno ay may basbas ka pa daw sa iyong mga superyor, totoo nga ba?

Para sa hindi pa nakaka-kilala ng lubusan kay Tata Jay, siya ang enkargado o bagman ng Manila Police District (MPD)-PS2 sa Moriones, Tondo, Manila.

Hanggang sa kasalukuyan ay picking-apples pa rin si Tata Jay sa tulong ng kanyang sidekick na isang Tta Bunso sa kanilang nasasakupan o Area of Responsibility(AOR).

Hindi pa rin makaalma sa kanya ang mga vendor na hindi lang umi-iyak kundi humahagulgol na sa taas ng tara niyang hinihingi sa mga ito kada isang linggo.

Ang mga vendor na ito ay partikular na nakapuwesto sa kahabaan ng Dagupan St., C.M. Recto Avenue, Juan Luna at Ilaya samantalang hawak naman ng kanyang alalay na si Tata Bunso ang Assuncion, Sto. Cristo at iba pang sidestreet sa Divisoria.

Bukod sa mga vendor, hindi na rin nakakapiyok sa kanya ang mga kapitalista ng mga illegal vices sa mga nasabing lugar na kung saan sila namamayagpag.

Kabilang sa mga illegal vices na ito ang mga bookies ng karera, easy two, jueteng at iba pa na karaniwan lang makikita sa kanilang nasasakupan.

Sinabi ng mga kapitalista na halos isang taon silang natigil at ngayon lang muling buma-bawi’t nagsisimula kung kaya’t konting konsiderasyon lang at unawa ang kanilang hinihingi.

Gayundin ang sinasabi ng mga vendor na ngayon din lang nag-babawi matapos ang halos na isang taon na sila ay bakante sanhi ng pandemya.

Ilan beses ng naiulat ang mga aktibidad nitong sina Tata Jay at Tata Bunso nguni’t wa epek at talagang pinanindigan na yatang sila ay talagang malakas at liyamado sa mga kinauukulan.

Wala na rin kaming ibang masa-sabi pa kundi bukod kang pinag-pala sa lahat ng mga enkargado ng mga presintong nasasakupan ng MPD… MABUHAY KA !!!!!!

DAPAT TALAGANG REPASUHIN NG LTO ANG KANILANG ORDINANSANG PINAPATUPAD HINGGIL SA CHILD SAFETY SEAT

Siguradong biglaan at hindi pinag-isipan mabuti ng Land Transportation Office (LTO) ang kanilang pinapatupad na ordinansa hinggil sa paggamit ng safety child seat sa mga batang may edad na 12 anyos pababa at may taas na 4’11 pababa.

Tama lang ang sinabi sa kanila ng Senado na kanilang repasuhin mabuti ang pina-patupad nilang ordinansa hinggil sa pag-gamit ng safety child seat.

Matic na napakaraming butas at kapalpakan ang ordinansang ito kung kaya’t ito ay takaw-silip hindi lang ng Senado kundi ng maraming mamamayan may angking isip, praktikalidad na lang daw maski na hindi isipin he he he.

Mantakin mong magpakabit ka ng child seat sa likod ng iyong sasakyan na nagkakahalaga daw ng P4,000-P12,000 sa panahong ito ng pandemya.

Eh napakaraming bagay na higit na mahalagang bilhin sa halagang ito, partikular na dito ang mga gamot at pag-kain na alam nating lahat para sa ating buhay at kalusugan, di po ba?

Tama rin ang sinasabi ng maraming mamamayan na mas dapat pag-ukulan ng panahon ng LTO ang mga motorsiklong gamit ng mga riding in tandem sa iba’t ibang krimen na hanggang sa ngayon ay hindi pa matukoy.

Sa loob ng maraming taon ay wala pa ring nalu-lutas na kaso hinggil sa mga riding in tandem dahil sa hindi matukoy ng nasabing ahensiya ang rehistro at kung sino talaga ang nagma-mayari sa mga motorsiklong ito.

Iyan na lang muna ang inyong asikasuhin at pag-ukulan ng pansin bago ang kung ano-anong ordinansang pilit niyong paga-gastusin at pahihirapan ang mamamayan.

The post Tata Jay, bukod kang pinagpala sa lahat ng mga enkargado appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Tata Jay, bukod kang pinagpala sa lahat ng mga enkargado Tata Jay, bukod kang pinagpala sa lahat ng mga enkargado Reviewed by misfitgympal on Pebrero 08, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.