Facebook

Princess of Love Songs Diane de Mesa sunud-sunod ang virtual events

Ni BKC

SUPER busy ang Princess of Love Songs na si Diane de Mesa dahil sa sunud-sunod na virtual events nito.

Katatapos lamang ng Aliw Awards post production show na pinamunuan ni Diane bilang host. Production ito ng kanyang kalo-launch pa lang na DDM Studio International na siya rin ang nag-produce at nag-edit ng palabas in association with Aliw Awards Foundation. Pinalabas ito sa Facebook live sa Channel 31 Online TV ng 2/6 ng 12pm, and very successful ito.

Kasama niya ang “aAliwin kita” host na si Birdie Reyes III. Katatapos niya ring maging special guest sa nasabing programa kasama ang iba pang Aliw Awards winners ilang linggo ang nakararaan.

Sa Aliw Awards highlights ay naging guest sina Gari Escobar (Aliw Awards “Breakthrough Artist of the Year”), Khenzuya Yamamoto (Aliw Special Awardee for “Artistic Excellence”) at Janah Zaplan (Aliw Awards “Best Female Pop Artist”).

Si Diane ay isa ring special awardee ng Aliw Awards bilang “International Multimedia Talent of the Year.”

Bagay naman sa kanya ang titulong ito dahil meron din siyang radio show na “Notes from the heart” sa kanyang station na DDM Studio Live, na nagtatampok sa mga indie at mainstream artists bukod sa pag-feature niya ng mga sariling kanta.

Katatapos din na maging guest sa kanyang programa si Gari Escobar, at ang “Hall of Famer” ng Aliw Awards for “Best Instrumentalist” na si Merjohn Lagaya.

Abangan din ang bagong single ni Diane na “BalangAraw,” duet ito kasama ang sikat na indie artist from Cebu na si Emping.

Sariling komposisyon ito ni Diane na inareglo ni Elmer Blancaflor. Malapit na itong mapakinggan sa mga digital sites gaya ng Spotify, etc.

Bukod dito ay mayroon ding monthly special si Diane na “Balintataw” talk show kasama ang feng shui master/ psychic na si Madam Venus at health educator na si Jordan Perpetua.

Abangan din ang Greatest Hits virtual concert ni Diane na gaganapin sa March 5 @ 8pm (California) at March 6 (Philippine time) sa FB live. I-follow si Diane sa kanyang Facebook (facebook.com/msdianeg) at Instagram (@msdianeg) para maging updated sa kanyang mga ganap.

The post Princess of Love Songs Diane de Mesa sunud-sunod ang virtual events appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Princess of Love Songs Diane de Mesa sunud-sunod ang virtual events Princess of Love Songs Diane de Mesa sunud-sunod ang virtual events Reviewed by misfitgympal on Pebrero 08, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.