Habang nagkakaedad… Jennylyn mas gumaganda at nagiging fresh; Jane inamin, muntik sukuan ang showbiz
Ni GERRY OCAMPO
INAMIN ni Jane de Leon na tinangka niyang layasan ang showbiz. Naisip daw niya ito nung panahon na wala siyang ginagawang project o trabaho.
Ito ‘yung panahon na hindi niya akalain na mabibigyan ng pagkakataon na mapasama o lumabas sa FPJ`s Ang Probinsiyano at higit sa lahat, maging bagong Darna.
“Gusto ko na talagang mag-quit sa showbiz. Kasi lahat naman kaming mga artista nakaka-experience na natu-toxic na kami, lalo na noong nag-uumpisa ako.
“Nawalan na ako ng pag-asa noon, kasi pumasok ako sa showbiz dahil passion ko ang acting, love ko talaga at breadwinner din ako at gusto kong matulungan ang family ko.
“Pero lahat yon, na-share ko kay Lord. Sinurender ko lahat ng mga worries ko sa Kanya at pinush Niya ako nang maayos. Ginamit Niya ang mga taong nagmamahal sa akin para suportahan ako sa mga dapat kong gawin.”
***
MARAMING nagsasabi na habang tinitingnan daw si Jennylyn Mercado ay lalo itong nagiging kahawig ni Gal Gadot na gumanap na Wonder Woman. Habang nakakaedad daw kasi si Jen ay mas nagiging fresh at mistulang hindi tumatanda.
Napuri tuloy ang boyfriend niyang si Dennis Trillo dahil mahusay raw mag-alaga ng dyowa. Kung pagbabasehan daw ang Instagram nilang dalawa ay very smooth ang relasyon nila.
Magkasundo sina Jen at Dennis sa mga aktibidad tulad sa pagbibisikleta, paggyi-gym, pagtugtog, pagkanta at pagsisid sa dagat. Tila ‘yun nga ang sikreto ng kanilang masaya at magandang pagmamahalan
Pero hindi maiiwasan na marami na ang naiinip kung kailan ba talaga sila magpapakasal.
The post Habang nagkakaedad… Jennylyn mas gumaganda at nagiging fresh; Jane inamin, muntik sukuan ang showbiz appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: