Facebook

Grace Ibuna ine-enjoy ang buhay kasama ang daughter na si Garie at may malasakit sa bansa

Ni PETER S. LEDESMA

KILALANG matalino ang businesswoman na si Grace Ibuna kaya pagdating sa kaalaman sa pulitika at malasakit sa bansa ay aware siya. Tulad ng isininusulong nito noon pa bilang presidente ng Movement of Women for Change and Reform na may kaugnayan sa Anti-Terrorism Bill.

Marami ang humuhusga o kumokondena sa nasabing bill pero ayon pa kay Ma’am Grace ay intindihin daw muna kung ano ang layunin nito para sa mamamayang Pinoy.

“The women sector should support the anti-terrorism bill, as it will mean for the government to protect its people and that even the state can be held liable if it abuses in it’s implementation.” “I ask my fellow woman and the Filipino to give this measure a chance. We have been longing for peace and stability in our country this measure will give way to it,” pahayag pa ni Ma’am Grace na naka-post sa kanyang social media account.

Eh, kumusta naman ang life niya kasama ang unica hija na si Garie (anak kay Gabby Concepcion)?

Happy naman at ine-enjoy nila ito ng kanyang daughter na may mga pinagkakaabalahan din sa kanyang career. Boto ba si Ma’am Grace sa boyfriend ni Garie na si Michael Pangilinan? Hindi sinagot ng kilalang personalidad ang aming tanong bagkus ay umarko ang kilay nito na beauty pa rin at ang lakas ng sex appeal.

***

Direk Reyno Oposa Hahabulin Ang Kumopya Sa Titulo Ng Pelikula Sa Cinemalaya 2020 Na “SILAB”

Last 2019 pa ginawa ng Toronto filmmaker na si Direk Reyno Oposa ang pelikulang “Silab” na isinali sa Cinemalaya 2020 Digital Edition, pero dahil sa pandemya ay hindi nakahabol sa finals ang nasabing indie movie.

Pero katakut-takot na publicity na ang aming inalabas para sa proyektong ito. At para mapanood ng mga nag-aabang ng pelikula ni Direk Reyno,  kanya itong ipinalabas sa bagong Youtube channel na RosFilm indie movie na in just one week dahil sa nag-viral ang “Silab ay monetized agad ang channel ng kaibigan naming director-producer.

Ang mga bida ng pelikula ay sina JV Cain, Mia Aquino, Lance Valderama, Urduja Best Actress Elizabeth Luntayao, at stage actor Bobby Tamayo na pinaslang two months ago ng hindi nakilalang salarin.

Kaya laking gulat ni Direk Reyno na based sa Ontario, Toronto, Canada na kinopya ang titulo ng movie niya na dinirek at sinulat ng baguhang independent movie producer na si Len Carrillo at nagpa-presscon na sila ng kanilang pelikula. Hindi ba aware ang isnaberang talent manager na ito na may ganitong pamagat na mas nauna sa kanila? Kinakausap na ni Direk Reyno ang kanyang lawyer at nagbanta ito na hahabulin niya ang pelikula na si Joel Lamangan ang director.

Abangan daw ang live streaming ni Direk Reyno sa kanyang Reyno Official Youtube channel na mapapanood din sa RosFilm indie movie channel na magiging topic ang malinaw na pangongopya sa title ng kanyang movie na Silab.

The post Grace Ibuna ine-enjoy ang buhay kasama ang daughter na si Garie at may malasakit sa bansa appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Grace Ibuna ine-enjoy ang buhay kasama ang daughter na si Garie at may malasakit sa bansa Grace Ibuna ine-enjoy ang buhay kasama ang daughter na si Garie at may malasakit sa bansa Reviewed by misfitgympal on Pebrero 08, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.