Ni NONIE V. NICASIO
PATULOY sa paghataw ng ratings ng TV series na Prima Donnas ng GMA-7.
Pagpasok ng serye sa last two weeks nito, lalong naging kapana-panabik ang mga eksena rito. Kaya naman balita namin ay naka-break ng record sa ratings ang serye sa day time show sa bansa.
Tampok dito sina Aiko Melendez, Wendell Ramos, Katrina Halili, Jillian Ward, Chanda Romero, Benjie Paras, at iba pa.
Naka-chat namin recently si Katrina at inusisa namin ang Kapuso actress kung ano ang reaction niya at ang taas ng ratings ng kanilang teleserye?
Pahayag niya, “Sobrang happy namin na hindi bumitaw ‘yung mga nanonood sa amin, kahit nawala kami ng eight months.
“Sana patuloy po nila kaming suportahan sa huling dalawang linggo ng Prima Donnas.”
Ano ang dapat abangan na pasabog dito sa nalalapit na pagtatapos ng kanilang serye? Tugon ni Katrina, “Marami pa pong dapat abangan, anong mangyayari kay Lilian (Katrina), Ruben (James Blanco), at Jaime (Wendell).
“Plus, kapag nalaman na kung sino talaga ang mastermind sa lahat ng gulo na nangyari, anong mangyayari kay Brianna (Elijah Alejo) at kay Kendra (Aiko)… ano ang mangyayari kapag nalaman ng mga Claveria na inosente talaga si Lilian sa simula pa lang?”
Anyway, napansin namin na sa seryeng ito ay hindi kontrabida si Kat (nickname ni Katrina) at carry naman ng aktres ang role na mabait. Hopefully, sa ibang projects ni Kat ay mabibigyan ulit siya ng kakaiba pang mapaghamong papel na magpapakita ng kanyang husay bilang aktres.
***
FDCP Magdadaos ng 5th Film Ambassadors’ Night Online Bilang Pagsuporta sa National Arts Month
KAHIT maraming pagsubok dahil sa COVID-19 pandemic, nakamit pa rin ng Philippine Cinema ang maraming international na parangal noong 2020.
Ang mga Filipino filmmaker, aktor, at pelikula na nakatanggap ng international na parangal mula sa established na film festivals at award-giving bodies sa nakaraang taon ay bibigyan ng parangal sa ika-5 Film Ambassadors’ Night (FAN).
Bilang pagsuporta sa National Arts Month ng National Commission for Culture and the Arts, isasagawa ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang FAN online sa Pebrero 28. Ito’y suportado ng Cultural Center of the Philippines sa pamamagitan ng pagiging bahagi ng Philippine Philharmonic Orchestra.
Isang taunang pagtitipon ang FAN na sinimulan noong 2017, at isinasagawa ito ng FDCP para kilalanin ang filmmakers na may international na parangal na nakapagbigay karangalan sa bansa.
Dahil sa napakaraming COVID-19 restrictions, ang FAN ay ipalalabas sa pamamagitan ng live streaming sa Facebook pages at YouTube Channel ng FDCP.
Wika ni FDCP Chairperson at CEO Liza Diño, “We laud the honorees for their artistry and perseverance, and these were not hindered even when the global cinema industry suffered so much.
“Our filmmakers still managed to put the spotlight on Philippine Cinema amid the pandemic, and for that we are grateful. We are also humbled and honored because of the FDCP’s collaborations with the National Commission for Culture and the Arts and Cultural Center of the Philippines for the first-ever virtual FAN. This shows how much the government values our filmmakers and the rest of the country’s artists.”
Mahigit sa 266 filmmakers ang kinilala ng FAN sa loob ng apat na edisyon. Noong 2020, kabilang sa A-List Winners na nanalo sa A-List international film festivals ang “Verdict” ni Raymund Ribay Gutierrez na napanalunan ang Special Jury Prize sa Horizons (Orizzonti) section ng Venice International Film Festival sa Italy.
Ang iba pang A-List Winners ay sina “Mindanao” direktor Brillante Mendoza na nagwagi para sa Best Artistic Contribution sa Cairo International Film Festival sa Egypt, “Mindanao” aktres Judy Ann Santos na nanalong Cairo Best Actress, “Aswang” ni Alyx Ayn Arumpac na nanalo ng FIPRESCI Prize sa International Documentary Film Festival Amsterdam (IDFA) sa Netherlands, at Jun Robles Lana na naging Best Director para sa “Kalel, 15” sa Tallinn Black Nights Film Festival sa Estonia.
Maliban sa pagkilala sa mga international award winners ng bansa sa nakaraang taon, iginagawad din ng FDCP sa FAN ang pinakamataas nitong award, ang Camera Obscura Artistic Excellence Award, para sa icons, trailblazers, at legends.
Sa Pebrero 28, tampok sa bagong batch ng Filipino film ambassadors ang Camera Obscura Awardees at A-Listers. Ang iba pang kategorya ng FAN ay Short Films, Documentaries, Technical Awards, Acting Awards, at Feature Films.
The post Katrina Halili thankful sa suporta ng mga suki ng ‘Prima Donnas’ appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: