Facebook

Sarah babu Kapamilya na kaya inisnab ang anniv ng ‘ASAP’?; Magdyowang Vin at Sophie proud sa pagsasama sa bahay

Ni JULIET PACOT

BINULABOG ni Sarah Geronimo ang mga tagahanga sa Twitter nang hindi sumipot sa anibersaryo ng “ASAP Natin ‘To” sa ginanap na anniversary special ng noontime show.

Nagulat ang mga netizen sa desisyon ng Popstar  na isnabin ang espesyal na okasyon. Gayunman, kahit wala ang presensya, hindi naman nakalimot si Sarah na magpadala ng pagbati  sa social media para sa ika-26 na taon ng ASAP.

Wala pang opisyal na pahayag mula sa panig ng Popstar at maging sa ABS-CBN kaugnay sa espekulasyong lilipat na si Sarah.

Marami sa mga tagahanga ni Sarah ang nalungkot dahil hindi ito nakasama sa ika-26 na pagdiriwang ng anniversary ng ASAP Natin ‘To nitong Linggo.

Kasunod nito ay agad na nag-trend sa bansa ang #WELOVEYOU SARAH G. Marami sa mga tagasuporta niya ang nanawagan sa muling pagbabalik ni Sarah sa ASAP.

Sa kabila ng mga isyung ito, wala pang inilalabas na pahayag ang kampo ng Popstar at ng ABS-CBN kaugnay sa tunay na dahilan ng ilang linggong hindi napapanood sa ASAP si Sarah.

***

PLANO nang magpagarahe ni Sophie Albert  sa dyowa nitong si Vin Abrenica na nagbahagi ng kanilang litrato habang magkasama at ipinagmayabang ang bago nilang bahay.

Kinumpirma ito ng aktor na nagsabing totoo lahat ang ipinakitang larawan ni Sophie na ipinangalandakan ang bagong bahay nilang magkasintahan.

Balak na nilang magsama sa iisang bubong matapos ang halos ilang taon nila bilang magdyowa.

Naging abala ang magkasintahan sa kanilang paghahanda sa kanilang paglipat sa nasabing bahay.

Bumuhos ang pagbati sa dalawa mula sa kanilang mga kaibigan mula sa showbiz para sa bagong yugto ng kanilang buhay na magkasama.

The post Sarah babu Kapamilya na kaya inisnab ang anniv ng ‘ASAP’?; Magdyowang Vin at Sophie proud sa pagsasama sa bahay appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Sarah babu Kapamilya na kaya inisnab ang anniv ng ‘ASAP’?; Magdyowang Vin at Sophie proud sa pagsasama sa bahay Sarah babu Kapamilya na kaya inisnab ang anniv ng ‘ASAP’?; Magdyowang Vin at Sophie proud sa pagsasama sa bahay Reviewed by misfitgympal on Pebrero 08, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.