MAY matindi po tayong “blind item” dear readers para sa araw na ito. Patungkol ito sa isang sikat na pulitiko na kumontak ng isang BUGAW sa showbiz industry para tikman ang isang sikat na sexy actress para sa isang gabing sexcapade.
Dahil nga sa selebrasyon ng ARAW NG MGA PUSO nitong nagdaang araw ng Linggo, ini-schedule ng BUGAW ang engkuwentro ng nasabing pulitiko at ni sexy actress sa isang pamosong hotel sa Subic.
Tumatagingting na Php700K ang naging downpayment ni pulitiko kay showbiz BUGAW para sa isang grand and lovely set up sa nasabing 5-star hotel dyan nga sa Subic.
Idinaan thru online banking ang payment ng nasabing paunang bayad (downpayment).
Ang siste, sa hindi maarok na dahilan, naamoy ng misis ni pulitiko ang masamang plano ng kanyang sikat na esposo.
Take note, nasa pulitika rin at dating nasa showbiz rin ang kumander ng malibog na politician.
Marami na ring beses na nahuli sa akto ni misis ang kanyang philandering politician-husband.
Eto ngayon ang naging problema ni showbiz bugaw makaraang mabuking ng misis ni politician ang planong kangkangan ni actress at ng malibog na pulitiko.
Gustong bawiin lahat ni pulitiko ang perang idiniposit sa account ni showbiz bugaw.
Ang kaso, seventy (70) percent consummated na ang “deal” at nagpunta na rin sa venue o hotel na pinag-usapan ang aktres upang tuparin ang napag-usapang kontrata.
So suma total, naglaho nang parang bula ngayon ang kuwarta ng malibog na pulitiko.
Naghati na pala sa kuwarta sina aktres at showbiz bugaw at sunog na ang Php 700K.
Ang masakit pa, nagkaroon ng iskandalo at bugbugan blues sa nasabing 5-star hotel sa Subic involving the sexy yummy actress at ang former actress-politician na misis ni politician.
Ang tanong ngayon ng marami sa nakasaksi sa iskandalong ito nitong nagdaang Hearts Day, “akala ko ba nagbago na ang pulitikong ito na makailang beses ng nahuli nga sa akto ng kanyang misis”?
Wala talagang kadala-dala itong si pulitko at walang kakupas-kupas sa pagiging bogmali!
Ito namang si showbiz bugaw ay makailang beses na ring nasabit sa kung anu-anong kontrobersiya at kaso.
Kilala rin itong showbiz talk host at talent manager.
Bukod sa pagiging babaero, sugarol din ang pulitikong ito na ang opisina ay matatagpuaan malapit sa Hobbies of Asia sa Macapagal Boulevard, Pasay City.
Senate of the Philippines nga ba ang tinutukoy natin?
Meaning to say, senador ang tinutukoy nating pulitiko?
Next issue ay posibleng tukuyin na natin ang identity ng nasabing pulitiko.
CLUE: Mula sa isang political clan sa Luzon ang tinutukoy nating ito.
Nakapuwesto kapwa sa poder ang mag-asawang ito!
AMAZING!
Di ba Manay?
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
The post Huli ka balbon appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: