GAGAMITIN ni Manila Mayor Isko Moreno ang super sikat na TikTok upang mangampanya, mag-educate at hikayatin ang publiko na magpabakuna kontra COVID-19 at ito ay sa pamamagitan ng #vaccinealamin videos.
Kaugnay pa nito ay nanawagan din si Moreno sa lahat ng netizens na samahan siya sa kanyang info-tainment (information cum entertainment) campaign sa kahit na anong paraan, upang epektibong maipalaganap ang mga mahahalagang detalye kung bakit kailangan ang maramihang pagbabakuna para makalikha ng herd immunity na magbibigay daan sa bansa upang muling magbukas ang ekonomiya.
Noong isang linggo ay nakipag-zoom meeting si Moreno sa mga TikTok officials kaugnay ng tuloy-tuloy na vaccination campaign at nabatid na nagkaroon ng kasunduan kung saan si Moreno bilang major influencer sa bansa ay napili ng TikTok upang gamitin ang nasabing platform.
Matatandaan na nag-share ng kanyang TikTok videos si Moreno kung saan ay inalay nya ito sa mga medical frontliners.
Si Moreno ay madalas na nagpapaalala nang kahalagahan ng bakuna kontra COVID-19 at hinihikayat niya ang publiko na magpabakuna at madalas nya itong ginagawa sa interviews at sa kanyang weekly live broadcast.
Sa bawat interview ay sinabi ni Moreno na magpapaturok siya kahit anong brand ng bakuna ang unang dumating sa Maynila at handa siyang gawin ito sa publiko upang mabigyan ng lakas ng loob ang mga taong may takot at duda sa bakuna.
Palagian ding sinisigurado ng alkalde na tanging mga bakuna na inaprubahan ng mga health authorities ang gagamitin sa mass vaccination sa Manila.
“Getting the vaccine far outweigh the disadvantages. Without the vaccine, we are constantly a hundred percent at risk of getting COVID and dying from it,” ayon kay Moreno.
Idinagdag pa ng alkalde na: “On the other hand, being vaccinated may not make us immune from the coronavirus but it will certainly give us protection from landing in the list of severe cases should we get infected.”
Bago mag-Bagong Taon ay inilunsad ni Moreno ang https://ift.tt/381GLQX kung saan ang lahat ng interesadong magpabakuna ng libre kontra COVID-19 ay maaaring magrehistro.
Sinabi ni Electronic data processing head na si Fortune Palileo na mayroon ng mahigit na 89,000 nagrehistro at nagpahayag ng kanilang interes na magpabakuna ng libre.
Ang TikTok ay isang video-sharing app kung saan puwedeng gumawa ang user ng video na tatagal ng 15 seconds sa kahit na anong topic.
Inilarawang ng isang market analyst ang TikTok bilang “one of the world’s most popular social media apps and is available in more than 150 markets and 75 languages, hitting close to two billion downloads in March 2020.” (ANDI GARCIA)
The post Isko, magti-TikTok para hikayatin ang publiko na magpabakuna vs COVID appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: