PERSONAL na binisita nina Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Christopher “Bong” Go nitong Martes ang Tandag City sa Surigao del Sur matapos itong bayuhin at ilubog sa baha ng bagyong Auring noong Linggo.
Nagsagawa muna ng aerial inspection sa rehiyon sina Pangulong Duterte at Sen. Go, at nanguna sa situation briefing sa aftermath ng bagyo saka namigay ng ayuda sa mga apektadong pamilya.
Inatasan ni Duterte ang lahat ng concerned agencies na agad tugunan ang pangangailangan ng mga nasalanta ng bagyo.
Idiniin ng Pangulo na ayaw niyang magtungo pa sa Metro Manila ang local government officials para personal na humingi ng suporta para sa mga kababayang pinadapa ng kalamidad.
Inutusan din ng Pangulo ang mga Cabinet secretaries na magpadala ng kanilang mga kinatawan sa Surigao del Sur para i-assess ang kabuuang halaga ng sinira ng bagyo at tiyaking maibibigay ang serbisyo sa mga tao.
Si Auring, ang unang bagyo na pumasok sa bansa ngayong 2021, ay nagpabaha sa Surigao del Sur at sumira sa mga kabahayan na nakaapekto sa 10,000 pamilya o 30,650 indibidwal, ayon sa provincial disaster response officials. (PFT Team)
The post PRRD, Bong Go nainpeksyon sa Surigao del Sur na sinalanta ng bagyong ‘Auring’ appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: