HALOS dalawang libong baboy ang pinatay sa apat na bayan sa Leyte dahil sa “outbreak” ng Africa Swine Fever (ASF), ayon sa Department of Agriculture (DA).
Ayon kay Francis Rosaroso, hepe ng Regional Agriculture and Fisheries Information Section sa Eastern Visayas, mahigit 1,900 baboy na ang pinatay sa mga bayang apektado ng outbreak.
“Mabilisan at agarang kilos ang dapat naming gawin dito,” aniya.
Kamakailan, dinagdag ang bayan ng Dulag sa mga apektado ng ASF sa nasabing probinsya.
“Isang barangay lang po ‘yung apektado as of the moment, ‘yung Barangay Combis,” ani Rosaroso.
“Ina-advice lahat ng local government officials na sana po ‘yung border security ay talagang seguraduhin, dapat po walang humpay yung pagbabantay doon,” dagdag nito.
Nanawagan din ito sa publiko na magtulungang labanan ang ASF upang hindi na ito kumalat pa.
The post Kaya mahal at kinukulang ang suplay ng karneng baboy… ASF outbreak: 2K baboy kinatay sa Leyte appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: