Patay ang isang konsehal nang mabangga ng multicab ang sinasakyan niyang bisikleta sa Barangay Poblacion sa Sapian, Capiz, Sabado ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Conradlou Hondrado, miyembro ng Sangguniang Bayan ng Sapian.
Sa reprot, sa lakas ng pagkabangga tumilapon ang biktima sa gitna ng kalsada.
Agad na dinala sa ospital ang biktima pero ideneklara itong dead on arrival ng doktor.
Hawak na ngayon ng awtoridad ang driver ng multicab at nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide.
The post Konsehal patay sa bangga ng multicab appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Konsehal patay sa bangga ng multicab
Reviewed by misfitgympal
on
Pebrero 27, 2021
Rating:
Walang komento: