Patay ang dalawang suspect sa magkakahiwalay na drug buy-bust operation sa Davao City, nitong Biyernes.
Napatay ang target ng operasyon na si Reynaldo Surdilla nang manlaban sa mga operatiba sa isinagawang buy-bust sa Barangay Lubogan, Toril District, Biyernes ng hapon.
Sa report, 8:00 ng gabi nang mapatay ang tinaguriang numero uno sa drug watchlist ng Calinan Police Station na si Felipe Tomas Jr. sa ipinatupad na search warrant sa Purok 15, Domingga Village.
Ayon sa ulat, sa halip na sumuko, nanlaban umano ang target kaya nabaril ng operatiba.
Nakumpiska ng pulisya ang isang bag na may lamang mga pakete ng shabu.
Arestado naman ang asawa nito na sangkot din sa pagbebenta ng droga.
Makaraan ang isang oras, nabaril at napatay din ng pulisya ang panglima sa drugs watchlist sa Davao region na si Jincent Vivas sa ikinasang buy-bust sa Purok Del Carmen sa Barangay Matina Aplaya.
Napansin ng subject na pulis ang nakatransaksiyon niya kaya biglang tumakbo ito, pero nabaril ng operatiba.
Narekober ng pulisya sa kanya ang nasa 21 pakete ng hinihinalang shabu at isang kalibre .38 na revolver.
The post 2 patay sa drug ops sa Davao appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: