Facebook

NBI walang kikilingan sa “misencounter” probe

Tiniyak ng National Bureau of Investigation (NBI) na walang kikilingan sa ginagawang imbestigasyon sa “misencounter” sa pagitan ng mga operatiba ng Philippine drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP).
Ayon kay NBI Deputy Director Ferdinand Lavin, maninindigan ang bureau sa hamon tulad nang lagi nilang ginagawa kung saan kasama si NBI Director Eric Distor bilang pinuno ng ahensya, na makagagawa sila ng walang kinikilingang pagsisiyasat sa insidente.
Sinabi ni Lavin na ang NBI National Capital Region (NBI-NCR) ang magsasagawa ng imbestiagsyon sa ‘misencounter’ kasama ang suporta ng iba pang division ng ahensya.
Inatasan ang NBI ng Pangulong Rodrigo Duterte na siya lamang ang mag-iimbestiga sa nangyaring sagupaan ng QCPD at PDEA.
Nagpasalamat naman ang NBI sa Pangulo dahil sa tiwalang ibinigay nito sa bureau.
Sa ngayon, umabot na sa lima ang nasawi sa naganap na barilan nang bawian na rin ng buhay ang mga sugatan na isinugod sa ospital.(Jocelyn Domenden)

The post NBI walang kikilingan sa “misencounter” probe appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
NBI walang kikilingan sa “misencounter” probe NBI walang kikilingan sa “misencounter” probe Reviewed by misfitgympal on Pebrero 27, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.