Nalaglag na sa kamay ng mga operatiba ng Fugitive Search Unit (FSU) ng Bureau of Immigration ang isang Bahrain national na nagtatago dito sa bansa na may kasong sex crimes at sexual assault sa Brgy. San Francisco II, Cavite noong Mates.
Kinilala ang suspek na si Alsendi Walleed Abdulah Hamad, 43, pansamantalang residente sa nabanggit na lugar.
Sa report ni Bureau of Immigration Commisioner Jaime Morente, inutusan ang BoC ng Department of Justice (DoJ) na arestuhin si Hamad at isailalim sa deportation proceedings.
Sinabi ni Morente na subject ang suspek ng arrest warrant ng Bahrain prosecutors office dahil sa mga kasong sexual assault sa isang babaeng biktima at ang pagpapakalat ng pornographic materials at may “red notice” sa Interpol dalawang taon na ang nakakaraan.
Pansamantalang nakaditine ngayon sa BI warden facility ang suspek habang ipinoproseso ang deportation order sa opisina ng bureaus board of the commisioner.
Inilagay narin ito sa immigration black list upang hindi na muling makapasok pa ng bansa. (Jose “Koi” Laura)
The post Puganteng Bahraini arestado sa Cavite appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: