Binawian ng buhay ang isang negosyante nang pagbabarilin sa lungsod ng Tacurong nitong Sabado ng tanghali.
Kinilala ang biktima na si Glen David Tranquellero, 40 anyos, may asawa at residente ng Barangay Kalandagan, Tacurong City.
Ayon kay Police Col. Joan Maganto, hepe ng Tacurong City PNP, sakay ng Ford Raptor ang biktima patungo sa bayan ng Isulan ngunit pagsapit nito sa National Highway, Barangay EJC Montilla ay sinundan ito ng dalawang motorsiklo sakay ang apat na salarin at pinagbabaril ang biktima.
Namaneho pa ng biktima ang kanyang sasakyan patungo sa pinakamalapit na detachment ng mga sundalo at nakahingi ng tulong.
Agad naman itong dinala sa pinakamalapit na pagamutan na kalaonay binawian din ng buhay.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon sa nangyaring pamamaril.
The post STL operator, patay sa ambush appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: