SA mga hindi pa rehistrado at sa mga magta-transfer ng rehistro para makaboto sa 2022 elections, naghihintay ang Commission of Elections (Comelec) para sa inyong pagpapatala mula Lunes hanggang Sabado, pati holidays.
Ito ang inanunsyo ng tagapagsalita ng Comelec na si James Jimenez sa Zoom forum ng National Press Club (NPC) nitong Biyernes ng umaga.
Ayon kay Jimenez, ‘yaong mga kabataan na nakatakdang mag-18 years old bago ang Mayo 2022, maari na kayong magpa-rehistro. Kailangan nyo lamang magpakita ng valid ID tulad ng school ID.
At sa mga magta-transfer ng kanilang registration, magpakita lamang ng valid ID kungsaang lugar kayo dati nakarehistro o saan kayo galing. Kung walang ID, magsama ng tao na magpapatunay kung saang lupalop kayo nagmula.
Target ng Comelec na magkaroon ng 4 milyon bagong botante. So far, ayon kay Jimenez, nasa 1.9 milyon palang ang mga bagong nakapagpatala. Mayroon pang pitong buwan bago makuha ang target na bilang na ito ng new voters.
Inaasahan ng Comelec na makakapagtala sila ng 61 hanggang 62 milyong botante para sa 2022 Presidential Elections. Noong 2016 ay 58 milyon ang rehistrado.
Kaya para sa mga ‘di pa rehistrado dyan, magparehistro na para magkaroon kayo ng kapangyarihan sa pagpili ng gusto ninyong mga lider partikular presidente ng ating bansa.
Oo nga pala. Ang filing ng Certificate of Candidacy (CoC) ay sa Oktubre, walong buwan nalang yan mula ngayon.
***
Sa Zoom forum, siniguro ng tagapagsalita ni dating Senador Bongbong Marcos na si Atty. Rodriguez na muling tatakbo ang natalong Vice President sa national position sa 2022.
Hindi lang masabi ni Atty. Rodriguez kung ano ang tatakbuhin ni Bongbong. Pag-uusapan pa raw nila ito. Iaanunsyo, aniya, sakaling handa na ang lahat.
Isang kaibigan ang nag-chat sa akin. Si Imee raw ang tatakbo, hindi si Bongbong.
Tungkol naman sa isyung pagbabanggaan ng Duterte at Marcos sa presidential, hindi raw ito mangyayari, sabi ni Rodriguez.
That means kung si Sara ang tatakbong Presidente, si Bongbong ang Bise. Or si Bongbong ang presidente, si Sara ang Bise?
Abangan ang kasagutan within few weeks…
***
Wala pang balita ang Bureau of Customs kung may darating na Covid vaccines ngayong buwan.
Sabi ng tagapagsalita ng BoC na si Atty. Vincent Philip Maronilla, wala pang nakatala sa kanilang tanggapan tungkol sa parating na bakuna.
Naitanong natin ito kay Atty. Maronilla dahil kamakailan ay inanunsyo ni Presidential Spox Harry Roque na may darating na bakuna sa Pebrero 23 (Martes). At sure daw na magkakaroon ng vaccination bago matapos ang buwan.
May babala si Atty. Maronilla na baka sa pagdating ng mga bakuna sa bansa ay masabayan naman ito ng mga pekeng bakuna. Aray ko!
Kaya todo bantay, aniya, sila ngayon sa BoC na baka may pumasok na mga pekeng Covid vaccine. Tsk tsk tsk…
***
Isang kaibigang abogado, si Atty Waray Evasco, ang tumawag sa akin. Sure na raw na tatakbong Presidente si Manny Pacquiao.
Hindi na ako nagulat sa ibinalita sa akin ni Atty. Waray. Dahil matagal ko nang natunugan na kakasa sa pagkapangulo si Manny.
That means may tatlo nang siguradong tatakbo sa pagkapangulo sa 2022: Marcos or Sara, Robredo, at Pacquiao.
Sino sa tingin ninyo sa tatlong ito ang makapagreresolba ng napakabigat na problemang iiwanan ni Pangulong Rody Duterte?
Text nyo nga ako…
The post Magparehistro na para makaboto sa 2022 appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: