Facebook

Sa Minor de Edad at ‘di sa NPA ang tulong – Romero

MARIIN na pinabulaanan ni Deputy Speaker at 1Pacman Party-list Rep. Mikee Romero ang mga maling haka-haka sa social media na kinakampihan nito ang hanay ng New People’s Army (NPA) sa isyu ng paghuli sa mga estudyante Lumad sa Cebu noon nakaraan.
Matagal na umano nitong adbokasiya ang edukasyon at kapakanan ng mga bata lalo na ang mga may mabigat na karamdaman. Halimbawa nito ay ang taunang programa nito na “Save A Child’s Heard” na nasa halos isang libo na ang napa-operahan sa puso.
Matatandaang nagrekomenda si Romero ng imbestigasyon o pagkasibak sa pwesto ng mga sangkot na otoridad kay PNP Chief Sinas pagkatapos mapanood ang video na kumalat sa social media kung saan naging masyadong marahas ang ginawa sa 25 estudyante, 19 sa mga ito ay menor de edad.
“It is my belief that children should never ever be caught in the middle of any armed conflict, especially when it involves our law enforcement agencies,” pahayag ni Romero.
Ayon pa kay Romero, isa siya sa mga kongresista na nagsulong sa pagsasabatas sa Anti-Terrorism Act na tinututulan ng NPA at mga grupong iniuugnay dito.
“But as main author of the Anti-Terrorism Law, I stand firm in my belief that insurgency using or promoting violence and other criminal acts should have no place in our nation,” pagtatapos nito.

The post Sa Minor de Edad at ‘di sa NPA ang tulong – Romero appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Sa Minor de Edad at ‘di sa NPA ang tulong – Romero Sa Minor de Edad at ‘di sa NPA ang tulong – Romero Reviewed by misfitgympal on Pebrero 19, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.