KASABIHAN ngayon, kung dati ay ang pagkain ng karne ng baboy ang nagiging dahilan sa pagkakaroon ng highblood ay mas matindi ngayon dahil sa taas ng presyo ng karne ay halos naha-high blood na ngayon ang lahat ng mga namamalengke.
Bunsod nito ay hinimok ni QUEZON CITY 2nd DISTRICT COUNCILOR MIKEY BELMONTE ang kaniyang mga kasamahan sa Konseho na gumawa ng mga pulisiya o patakaran upang masolusyunan ang “food security problems” na dulot sa napakataas na presyo ng mga panindang karne sa mga pamilihan.
“First, address the immediate need to manage the prices of pork and chicken – bringing them to reasonable levels. Second, ensure strict compliance of vendors to directives pertaining to the price cap on pork and other food products. Third, provide financial assistance or incentives to compliant meat vendors and retailers. Fourth, promote household-based food production in our communities…With the four policy points I mentioned, we can build our communities’ resiliency and adaptive capacity,” nilalaman sa naging privilege speech ni Councilor Belmonte na siyang Chairman of the Committee on Trade Commerce and Industry.
Inihayag din ng naturang KONSEHAL na ang virus na nagdudulot ng AFRICAN SWINE FEVER (ASF) ay ang mga domestic at wild pigs ang naaapektuhan lamang, subalit ito naman ay kumakalat sa iba’t ibang lugar sa ating bansa lalo na sa LEYTE na nagresulta sa matinding pagkalugi sa sektor ng mga magkakarne o mga naghahayupan.
“In the city level, we commend the immediate response of the city mayor to this pressing issue by ensuring that while a price cap is in place, affected vendors would be provided assistance for them to be able to cope and sustain their operations. Likewise, it should be mentioned that part of the previous and ongoing initiatives of the city government are geared toward addressing Food Security, especially with the issuance of the EO on Food Security last year, as well as sustaining the City Government’s own urban gardening program,” saad ni Belmonte sa kanyang naging talumpati.
Aniya, ang papulasyon sa mga lungsod ay dumarami kaya mahalaga umanong mapagtuunan ng “long term solution” ang “food security problem” sa pamamagitan ng programang sesentro sa pangkabuhayan ng mamamayan.
“I believe that food security concerns are complex, somehow comparable to our national concerns with rice. Resorting to importation alone, through increasing Minimum Access Volume (MAV) might be able to immediately improve supply and lower the price of pork in the short term, however, there have also been concerns to long term potential negative impacts to hog raisers. While we need [to] exert all effort to ensure access and affordability of pork and other quality food, we also need to ensure that we minimize potential unforeseen negative impacts,” paliwanag pa ni COUN. BELMONTE.
PCSO TAHIMIK SA MGA PAGTULONG!
Karamihan sa ating mga GOVERNMENT AGENCY kapag nakagawa ng proyekto kahit nagpakain lamang ng lugaw o namahagi ng karampot na “relief goods” ay naipamamalita na sa lahat halos ng mga pahayagan sa ating bansa.., subalit, ang isa sa malakas at madaling nagbibigay ng asiste sa lahat ng mga nangangailangan ay tahimik lamang at kadalasa’y hindi pa naibabalita ang ginagawang pagtulong ng PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE (PCSO).
Ang PCSO sa pamumuno ni CHAIRMAN ROYINA GARMA, kahit natigil ang operasyon ng LOTTO nitong nakaraang taon dahil sa COVID-19 PANDEMIC ay tuloy-tuloy pa ring nakapagbibigay ng asisteng pinansiyal sa mga nangangailangan lalo na ang mga pasyente sa iba’t ibang ospital na hikahos sa pambayad ng kanilang mga pagpapagamot.
Ngayong buwan February 1 hanggang 26 ay may kabuuang 16,644 inidibiduwal ang natulungan ng PCSO na nagkakahalaga ng P120,738,664.63.
Sa National Capital Region (NCR) ay 2,855 indibiduwal ang naasistehan na gumugol ang PCSO ng P28,556,600.00; sa Northern at Central Luzon ay 4,606 sa halagang P35,131,974.00; Southern Tagalog at Bicol Region ay 4,302 ang naasistehan ng P22,683,708.03; Visayas na 2,812 ang naasistehan naman sa halagang P20,842,132.34; at sa Mindanao ay 2,069 naman ang natulungan sa kabuuang halaga na P12,824,250.26.
Wish ng ARYA.., sana ay ang mga tunay na nangangailangan ng tulong ang makatanggap ng asiste.., dahil, ang pera ay hinde naman mismong mga opisyal ng PCSO ang nag-aabot sa mga dapat na mabigyan ng ayuda at huwag nawang matulad sa hokus-pokus ng ilang mga opisyales ng PHILHEALTH sa pakikipagsabuwatan sa mga pagamutan!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.
The post Masosolusyunan ba ang mataas na presyo ng karne? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: