Facebook

9,100 estudyante sa Maynila tatanggap ng 3 months allowance – Isko

NASA total na 9,100 estudyante sa kabisera ng bansa ang tatanggap ng tatlong buwang monthly allowance mula sa pamahalaang lungsod ng Maynila.

Ito ay makaraang pirmahan ni Mayor Isko Moreno nitong weekend ang payroll para sa 8,295 college students at 805 senior high school (SHS) students mula sa city-run Universidad de Manila (UdM) na pinamumunuan ni Malou Tiquia bilang presidente.

Ayon kay Moreno, ang mga college students ay tatanggap ng P3,000 bawat isa habang ang mga SHS students ay tatanggap ng P1,500 bawat isa. Ang nasabing halaga ay sumasakop sa buwan ng January hanggang March, 2021.

Ang nabanggit na financial assistance mula sa local government ay umaabot sa P26 million at ito ay bahagi ng social amelioration program ng pamahalaang lungsod ng Maynila kung saan ang mga nakikinabang ay ang iba’t-ibang sektor sa lungsod.

Sa inisyatibo ni Moreno at ng buong suporta Manila City Council sa pamumuno ni Vice Mayor Honey Lacuna bilang presiding officer at majority floorleader Atty. Joel Chua, ang pagpasa sa mga ordinansa na nagbigay daan para budget allocation ay nakapaglatag ang pamahalaang lungsod noong 2019 ng social amelioration package na nagbigay ng monthly cash assistance sa mga senior citizens, person with disablity (pwd) at solo parents, bukod pa sa mga estudyante ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at Udm.

Ayon pa sa alkalde, ang pamahalaang lungsod ay laging nakaalalay sa mga mamamayan kahit noong wala pa ang pandemya ay higit lalo sa ngayon na ang bansa ay patuloy na kumikilos mula sa health emergency situation na dala ng coronavirus.

Binigyang diin ng alkalde na kailangan na tiyakin na ang mga nabanggit na benepisyo ay maibigay sa mga estudyante, kung saan hinihikayat niyang gamitin ang mga ito sa makabuluhang dahilan tulad ng educational needs, food at iba pang pangangailangan.

Sinabi pa ni Moreno na ang dahilan ng nasabing probisyon ay upang makatulong sa mga estudyante sa kanilang pang-araw-araw na gastusin tulad ng pamasahe at dahil wala ng face-to-face class ay maaaring gamitin ng mga estudyante ang nasabing allowance sa ibang paraan o maaari ding ipunin na lang para magamit sa hinaharap.

Ang total allocation sa college students ay umaabot sa P24, 885,000 habang sa SHS ay nasa P1,207,500. (ANDI GARCIA)

The post 9,100 estudyante sa Maynila tatanggap ng 3 months allowance – Isko appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
9,100 estudyante sa Maynila tatanggap ng 3 months allowance – Isko 9,100 estudyante sa Maynila tatanggap ng 3 months allowance – Isko Reviewed by misfitgympal on Pebrero 27, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.